THE ART OF EATING BATIL PATUNG
Kilala sa mga taga-tuguegarao ang kanilang hilig sa pansit. Umikot ka sa buong lungsod at makikita mo na nagkalat ang mga pansiteria. Meron yun mga pang sosyal, pang hardcore at meron din yung pang 24 oras.
Ang paborito nilang pansit ay yung tinatawag na "batil-patung" (batil-patung kasi ipinatong yung itlog na batil sa pansit). Ito ay binubuo ng "miki" (home made noodles), giniling na karne (baka or baboy depende sa nagluto), assorted gulay (depende kung sino nagluto), chicharon at itlog. Kung minsan nilalagyan din ito ng sprouted monggo, hotdog at chorizo. Makikita mo rito kung gaano ka-artistic at kaexperimental ang mga taga Tuguegarao. Sa different flavors at different timpla ng batil-patung na kanilang niluluto, tiyak, di mo malalaman kung saan nga ang pinakamasarap na pansiteria sa lungsod.
Pero kung inaakala mo na napakasimple lang ang kumain ng batil-patung, diyan ka nagkakamali. Hindi ito basta-basta nilalamon lang. Kumbaga meron itong special ritual kung saan o papaano mo ito kainin na may kasamang feelings.
Bakit nga ba may feelings? Syempre, kailangan mong i-cherish yung moment na kumakain
ka ng batil-patung at hindi masayang ang kanyang sarap at syempre yung perang ibinayad mo.
(Note: Saka ko na ituro sa inyo ang mga steps sa pagluto ng batil-patung, mamasterin ko lang muna iyon)
So ano nga ba ang mga ritual na iyon? Ganito yon, ituturo ko ito sa iyo pero sa isang kondisyon, wag mo akong kontrahin, kasi style ko ito. Okay?
Uumpisahan ko na.
1. SET YOUR MOOD.
Tama! Kelangan nasa mood tayo para maiwasan natin ang kawalan ng gana. Ang tamang paglamon ng pansit ay parang sex. Tandaan, masarap kumain ng pansit lalo na kung umaambon, umuulan o kaya'y maginaw.Masarap din ang lumamon kapag nagugutom ka o kaya ay lasing ka. Astig ka kung lasing ka, hardcore eh.
Pero paano kung walang ulan?
E di gutumin mo ang sarili mo. O kaya maghiwa ka ng sibuyas at ito'y amuyin. Sigurado ako, maghahanap ka ng pansit pagkatapos mong maamoy ang sibuyas. Basta dapat nakamind set ka na sa araw na ito na ikaw ay kakain ng pansit at wala ka nang iba pang dapat gawin.
2. ASSESS YOUR COMPANION.
(Gawin mo lamang ito kung may kasama ka, kung wala, dumiretso ka na sa number 3).
Pag kumakain ka ng pansit, di na mahalaga kung marami kayo o solo mo lang. Ang mahalaga ay malaman mo kung sino ang iyong magiging kasama/tatawagin. Kailangan na malaman mo ang kanyang ugali dahil nakakatulong ang mga ito sa pagpili ng lokasyon kung saan kayo magpapansit.
Kung super gutom ka, wag ka nang magsama ng maarte kumain dahil sigurado ko, ayaw nito sa isang hardcore pansiteria. Huwag ka ring magsama ng masyadong mapili dahil sigurado ko rin na wala kayong mapipiling lugar.
Pag ka-date mo naman ang kasama mo, syempre, wag kayong pumunta sa isang hardcore pansiteria kasi marami naman diyan ang pangsosy na pansiteria.
Tignan mo rin kung may dalang pera yang kasama mo, baka sasama-sama sayo tapos magpapalibre lang? Isipin mo rin ang kapakanan mo (pansit ito remember? labo labo na muna), baka mabitin ka e wala kang pang take two.
3. FIND A GOOD PLACE.
Napakahalaga na madesisyunan mo kaagad kung saan ka magpapansit. Isa ito sa mga pinagmumulan ng away lalo na sa mga taga-tugue dahil napakaraming pansiteria rito and they have different tastes and flavors. Meron yung pansiteria na sobrang dami ang pansit pero hindi naman masarap. Meron naman yung masarap nga pero mahal naman at kokonti. Bakit nga ba ganun? Wala ba yung marami na, masarap na, at mura pa?
Pero nasa iyo din yan, depende na lang sa dami ng iyong pera, panlasa at sa level ng iyong pagkagutom. Kaya ugaliin mo ang magisip at magdesisyon ng mabuti para sa kapakanan ng iyong pansit. Ok?
4. SURE KA NA BA?
Minsan napapansin ko, lalo na sa mga pasosyal kumain ng pansit, hindi nila inuubos ang kanilang inorder. Bakit? Di ba masarap yung pansit mo? Nagdidiet ka ba? O ginagaya mo lang ang mga friends mo kasi they eat pansit and you dont want to be out of place? Kung ang rason mo ay di masarap, bat don ka nagpansit? Marami namang ibang lugar diyan ah. Bat di mo ipaglaban ang iyong gusto? Kung napilitan ka lang sumama, bat ka pa nagorder? Kasi ba nakikipagsabayan ka lang sa mga kasama mo? Kung gayon, isa kang poser! Oo... isa kang poser! Poser! Poser! Poser! Wala kang karapatan na kumain ng pansit batil-patung! I curse you! Wag ka nang dadaan dito sa Tuguegarao hah?! At kung nagdidiet ka, bat ka pa nagpansit?! Tanga ka pala eh! Sa dinamidami ng carbo na kakainin mo, mahihirapan kang magpapayat niyan! Di mo ba nahahalata na yung mga taong mahihilig sa pansit e malalaki ang ab?! (ab kasi singular lang) Nahahayblood ako sa iyo! Lipat na lang tayo sa susunod...
5. POSITION YOUR SELVES.
O meron ka nang lokasyon, ano na ang susunod? Syempre puntahan mo na kaagad ang pansiteria baka magbago pa isip nyo o kaya ay masunog pa yun. Pagkarating mo dun, maghanap ka kaagad ng magandang spot na paguupuan. Kung wais ka, dun ka sa malapit sa electricfan o ceiling fan para hindi ka pagpawisan (kung aircon pansiteria mo, e wag mo na problemahin ito). Depende na lang kung enjoy mo kumain ng pansit kapag tumutulo pawis mo (sabi kasi ng iba, the more you perspire, the better you eat pansit). Hanap ka rin ng pwesto na malapit sa kusina para pagkalabas nung mga pansit, ikaw ang una nilang se-serve-an. Pag nakahanap ka na ng pwesto, isigaw mo na lang yung order mo dun sa mga nagseserve para hindi ka na maagawan ng upuan. Humingi na rin ng sibuyas at calamansi.
Kung marami naman kayo, mas mainam pag sa mga kubo-kubo kayo pumuwesto para mukhang presko at hindi na rin kayo magbuhat at magpwesto ng mga table.
6. THE FORK PLAY.
So habang nagaantay ng order, timplahin mo na yung sibuyas.
Tandaan, ang pinakamahalaga na instrumento sa pagtimpla ng sibuyas ay ang tinidor!
Ginagamit ito sa maraming paraan tulad ng pang sala ng buto ng calamansi,panghiwa ng sili, pang sungkit ng sili na nasa loob ng suka na nakalagay sa bote ng catsup at panghalo.
Kung di mo alam magtimpla, panoorin mo tong video na to:
http://nayontenor.blogspot.com/2009/10/how-to-make-timpla-your-sibuyas-when.html
Magorder ka na rin ng redhorse, alak o kung anomang drinks para di ka mainip. Wag mong kalimutan ang baso at ice.
7. TIRA!
Dumating na yung pinakahihintay mo, ang inorder mong pansit. Eto, magandang technique, kung talagang gutom ka na at marami kang kasama, tulungan mong mag-abot ng pansit yung nagseserve, kasi habang nagaabot ka, hanapin mo na yung pinakamarami tapos itabi mo ito kaagad. Haluan mo na ng sibuyas o kaya dilaan mo yung kutsara para di na nila ito maagaw sa iyo. Pagkatapos gawin ang lahat ng yon, titigan mo ng maigi ang pansit mo. Mag-imagine. Ipikit mo ang iyong mga mata. (Wag kang mag-alala, wala mang-aagaw ng pansit mo, dinilaan mo na yung kutsara). Relax. Breathe deep. Amuyin ang pansit at buksan ang iyong mga mata.
Di mo akalain na mauubos mo ito within 5 minutes. Kunin ang kutsara at tinidor. Basagin ang itlog na nakapatong (pwede rin hinde) at ishuffle ang iyong pansit. Tikman, wag masyadong marami, wag konti, dapat katamtaman lang ang rami. Namnamin at isipin mo na baka ito na ang pinakahuling pansit na kakainin mo. At bakit naman? Wala lang, para cool ang dating.
8. IBUHOS.
After a few minutes, darating na ang sabaw. Magingat lang sa sabaw kasi meron yung sineserve na sobrang init baka mapaso dila mo. Maraming technique kung paano higupin ang sabaw e. Meron yung iba, gumagamit ng kutsara, yung iba naman, deretso na dun sa baso pero eto ang mas hardcore, yung ibinubuhos ang sabaw dun sa kanilang pinggan. Mas hardcore kasi yung mga naiwan na "butil" ng pansit e naihahalo sa sabaw. yung iba naman, ihahalo nila yung itlog na itinabi nila sa sabaw. Pero alin ba ang pinakamasarap gawin? Syempre, yung hardcore para magmukha kang cool ulet.
9. MAGRELAX.
Ubos na ang sabaw, ubos na ang pansit... Ang masarap gawin, magpalpa. Yosi yosi ka muna sa tabi, inom ng konting softdrinks. Tayo, itaas ang damit, labas ang tiyan... Kung wala kang tiyan, di ka tunay na lalake.
10. ISIPIN KUNG MAG TAKE TWO.
Ngayon, busog ka na ba? Di porket ubos na ang pansit mo, titigil ka na rin sa kakakain. Isipin mo, mag tetake two ka pa ba? O hindi na? Magpapansit ka na lang ulit bukas noh? Yeah!
So always remember, kung ikaw ay magpapansit,
set your mood
assess your companion
find for a good place
sure ka na ba?
position yourselves
the fork play
tira!
ibuhos
magrelax
isipin kung mag te take two
yan ang pansit... parang sex...
Dedicated sa nagimbento ng Pansit Batil Patung. Dude, kung sino ka man, isa kang henyo!!!!
posted by:
zuluwashere
Monday, January 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment