Wednesday, September 30, 2009

LONGGANISA

TUGUEGARAO LONGGANISA

Marami sa atin ang hindi nakakaalam nito pero isa ang Tuguegarao longganisa sa pinakamasarap na longganisa sa buong Pilipinas. Oo, masarap ang ating longganisa. Tingnan mo ang picture, itsura pa lang masarap na diba? Hindi siya gaanong mahaba pero malinamnam ang ating longganisa. Kasyang kasya sa bunganga. Makatas, spicy, at mabawang. Hinahanap-hanap ito ng maraming tao. Dinadayo. Pwede mo kasing makuha ng libre, mahal o mura depende na lang sa may-ari at gumawa ng longganisa (may longganisa si tatay, may longganisa si kuya at may longganisa rin si lolo ). Pwede ring pasalubong ang longganisa lalo na sa inyong minamahal. Masarap ang longganisa sa umaga, sa hapon at sa gabi. Kahit anong oras, pwede mong tikman ang aming longganisa. Kaya sa inyo na hindi pa nakatikim ng aming longganisa, halikayo pumunta kayo sa Tuguegarao at maraming longganisa ang nagaantay sa inyo.

Madami sa Don Domingo Market.


salamat sa original uploader ng pic.

No comments:

Post a Comment