Wednesday, March 24, 2010
SHROOMS NG DIYOS
So tumira ako ng shrooms at biglang nagsalita ang Diyos.
Nagtanong siya, sabi nya, "Ano sa tingin mo ang punotdulo ng prublema ng lahat ng tao?"
Nagulat ako. Ako? Kinakausap ng Diyos?
Tumingin ako sa aking paligid.
Wala akong nakita kundi ang kajamming kong mahimbing na natutulog.
Nagsalita ulit ang Diyos, sabi niya, "Ah... Iho... Ikaw ang kausap ko..."
Nagsalita ako sabi ko, "Uhmmm... Ano na nga ba ulit yung tanong niyo ser?"
Sumagot ang Diyos, sabi niya, "Iho... Ano sa tingin mo ang punotdulo ng problema ng lahat ng tao dito sa mundo?"
"Wait lang ser ah... Magiisip lang po ako..." sabi ko.
So nag-isip ako pero walang pumapasok na sagot sa utak.
"Ahh alam ko na, titira uki ako ng shrooms!" sabi ko sa sarili ko.
So ang ginawa ko, tinira ko ulit yung shrooms.
At yun na nga, nagsipasok na ang loahat ng idea at rason sa aking utak. Napakarami. Sa sobrang dami nito, di ako makapili kung alin nga ba sa mga ito ang tunay na dahilan ng ating kahirapan.
Pera kaya? Marahil ito na nga pero bakit marami naman sa atin ang masaya kahit na walang pera a? Hindi siguro.
Kawalan kaya ng trabaho? Hindi siguro. Madami namang trabaho diyan eh. Tinatamad lang tayong maghanap.
Ahh alam ko na! Siguro dahil ito sa mga maling choices natin! Tama! Dahil sa mga maling decision, nagkandaletse letse ang buhay natin!
Dala ang aking kasagutan, muli kong hinarap ang Diyos. Sabi ko, "Ser! May sagot na ako!"
Ngunit sa mga sandaling iyon, walang sumagot.
Umulit ako, "Ser! Alam ko na ang sagot!"
Ngunit wala talagang sumasagot.
Iniwan ba ako ng Diyos sa ere?
Inisip ko, baka yung shrooms ang kelangan!
Hinanap ko yung shrooms per PUTANGINA! Hindi ko ito mahanap!
Diyatat kinuha rin ng Diyos ang aking shrooms?
Natigil lang ang aking pagtataka ng narinig ko ang aking katabi na humahalikhik.
Lumingon ako. Sabi ko, "Anong tinatawatawa mo diyan?"
Pero di parin tumitigil sa paghahalikhik ang aking katabi.
Nagtaka ako. Pero nung nakita kong hawak hawak niya ang aking shrooms, nagdilim ang aking paningin.
"Akin na nga yan!" sabi ko sabay hablot sa aking shrooms.
"Bakit? Anong gagawin mo?" tanong ng aking katabi.
"Kakausapin ko ang Diyos..."
"Kakausapin mo ang Diyos?" paulit ng katabi ko sabay tawa ng malakas.
"Anong itinatawa tawa mo diyan?" tanong ko.
"Anong Diyos ang sinasabi mo? Eh ako lang naman yung kausap mo kanina!"
Nagulat ako sa sagot niya. Tae! Naisahan nya ako dun ah! Kung sabagay di naman kakausapin ng Diyos ang isang katulad ko eh saka meron nga ba talagang Diyos?
Natawa na lang ako sa sarili ko.
"Ulol! Naisahan mo ako dun ah..."
Sabay hithit sa aking shrooms.
Well... Ganito talaga ang buhay. Kung minsan, di na natin alam ang ating mga ginagawa. At lalong lalo na sa mga oras na meron palang isang tao diyan na kumakalabit sa atin na di natin namamalayan.
posted by:
zuluwashere
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment