Monday, January 11, 2010
THE ART OF EATING PANSIT
Kilala sa mga taga-tuguegarao ang kanilang hilig sa pansit. Umikot ka sa buong lungsod at makikita mo na nagkalat ang mga pansiteria. Meron yun mga pang sosyal, pang hardcore at meron din yung pang 24 oras.
Ang paborito nilang pansit ay yung tinatawag na "batil-patung" (batil-patung kasi ipinatong yung itlog na batil sa pansit). Ito ay binubuo ng "miki" (home made noodles), giniling na karne (baka or baboy depende sa nagluto), assorted gulay (depende kung sino nagluto), chicharon at itlog. Kung minsan nilalagyan din ito ng sprouted monggo, hotdog at chorizo. Makikita mo rito kung gaano ka-artistic at kaexperimental ang mga taga Tuguegarao. Sa different flavors at different timpla ng batil-patung na kanilang niluluto, tiyak, di mo malalaman kung saan nga ang pinakamasarap na pansiteria sa lungsod.
Pero kung inaakala mo na napakasimple lang ang kumain ng batil-patung, diyan ka nagkakamali. Hindi ito basta-basta nilalamon lang. Kumbaga meron itong special ritual kung saan o papaano mo ito kainin na may kasamang feelings.
Bakit nga ba may feelings? Syempre, kailangan mong i-cherish yung moment na kumakain
ka ng batil-patung at hindi masayang ang kanyang sarap at syempre yung perang ibinayad mo.
(Note: Saka ko na ituro sa inyo ang mga steps sa pagluto ng batil-patung, mamasterin ko lang muna iyon)
So ano nga ba ang mga ritual na iyon? Ganito yon, ituturo ko ito sa iyo pero sa isang kondisyon, wag mo akong kontrahin, kasi style ko ito. Okay?
Uumpisahan ko na.
1. SET YOUR MOOD.
Tama! Kelangan nasa mood tayo para maiwasan natin ang kawalan ng gana. Ang tamang paglamon ng pansit ay parang sex. Tandaan, masarap kumain ng pansit lalo na kung umaambon, umuulan o kaya'y maginaw.Masarap din ang lumamon kapag nagugutom ka o kaya ay lasing ka. Astig ka kung lasing ka, hardcore eh.
Pero paano kung walang ulan?
E di gutumin mo ang sarili mo. O kaya maghiwa ka ng sibuyas at ito'y amuyin. Sigurado ako, maghahanap ka ng pansit pagkatapos mong maamoy ang sibuyas. Basta dapat nakamind set ka na sa araw na ito na ikaw ay kakain ng pansit at wala ka nang iba pang dapat gawin.
2. ASSESS YOUR COMPANION.
(Gawin mo lamang ito kung may kasama ka, kung wala, dumiretso ka na sa number 3).
Pag kumakain ka ng pansit, di na mahalaga kung marami kayo o solo mo lang. Ang mahalaga ay malaman mo kung sino ang iyong magiging kasama/tatawagin. Kailangan na malaman mo ang kanyang ugali dahil nakakatulong ang mga ito sa pagpili ng lokasyon kung saan kayo magpapansit.
Kung super gutom ka, wag ka nang magsama ng maarte kumain dahil sigurado ko, ayaw nito sa isang hardcore pansiteria. Huwag ka ring magsama ng masyadong mapili dahil sigurado ko rin na wala kayong mapipiling lugar.
Pag ka-date mo naman ang kasama mo, syempre, wag kayong pumunta sa isang hardcore pansiteria kasi marami naman diyan ang pangsosy na pansiteria.
Tignan mo rin kung may dalang pera yang kasama mo, baka sasama-sama sayo tapos magpapalibre lang? Isipin mo rin ang kapakanan mo (pansit ito remember? labo labo na muna), baka mabitin ka e wala kang pang take two.
3. FIND A GOOD PLACE.
Napakahalaga na madesisyunan mo kaagad kung saan ka magpapansit. Isa ito sa mga pinagmumulan ng away lalo na sa mga taga-tugue dahil napakaraming pansiteria rito and they have different tastes and flavors. Meron yung pansiteria na sobrang dami ang pansit pero hindi naman masarap. Meron naman yung masarap nga pero mahal naman at kokonti. Bakit nga ba ganun? Wala ba yung marami na, masarap na, at mura pa?
Pero nasa iyo din yan, depende na lang sa dami ng iyong pera, panlasa at sa level ng iyong pagkagutom. Kaya ugaliin mo ang magisip at magdesisyon ng mabuti para sa kapakanan ng iyong pansit. Ok?
4. SURE KA NA BA?
Minsan napapansin ko, lalo na sa mga pasosyal kumain ng pansit, hindi nila inuubos ang kanilang inorder. Bakit? Di ba masarap yung pansit mo? Nagdidiet ka ba? O ginagaya mo lang ang mga friends mo kasi they eat pansit and you dont want to be out of place? Kung ang rason mo ay di masarap, bat don ka nagpansit? Marami namang ibang lugar diyan ah. Bat di mo ipaglaban ang iyong gusto? Kung napilitan ka lang sumama, bat ka pa nagorder? Kasi ba nakikipagsabayan ka lang sa mga kasama mo? Kung gayon, isa kang poser! Oo... isa kang poser! Poser! Poser! Poser! Wala kang karapatan na kumain ng pansit batil-patung! I curse you! Wag ka nang dadaan dito sa Tuguegarao hah?! At kung nagdidiet ka, bat ka pa nagpansit?! Tanga ka pala eh! Sa dinamidami ng carbo na kakainin mo, mahihirapan kang magpapayat niyan! Di mo ba nahahalata na yung mga taong mahihilig sa pansit e malalaki ang ab?! (ab kasi singular lang) Nahahayblood ako sa iyo! Lipat na lang tayo sa susunod...
5. POSITION YOUR SELVES.
O meron ka nang lokasyon, ano na ang susunod? Syempre puntahan mo na kaagad ang pansiteria baka magbago pa isip nyo o kaya ay masunog pa yun. Pagkarating mo dun, maghanap ka kaagad ng magandang spot na paguupuan. Kung wais ka, dun ka sa malapit sa electricfan o ceiling fan para hindi ka pagpawisan (kung aircon pansiteria mo, e wag mo na problemahin ito). Depende na lang kung enjoy mo kumain ng pansit kapag tumutulo pawis mo (sabi kasi ng iba, the more you perspire, the better you eat pansit). Hanap ka rin ng pwesto na malapit sa kusina para pagkalabas nung mga pansit, ikaw ang una nilang se-serve-an. Pag nakahanap ka na ng pwesto, isigaw mo na lang yung order mo dun sa mga nagseserve para hindi ka na maagawan ng upuan. Humingi na rin ng sibuyas at calamansi.
Kung marami naman kayo, mas mainam pag sa mga kubo-kubo kayo pumuwesto para mukhang presko at hindi na rin kayo magbuhat at magpwesto ng mga table.
6. THE FORK PLAY.
So habang nagaantay ng order, timplahin mo na yung sibuyas.
Tandaan, ang pinakamahalaga na instrumento sa pagtimpla ng sibuyas ay ang tinidor!
Ginagamit ito sa maraming paraan tulad ng pang sala ng buto ng calamansi,panghiwa ng sili, pang sungkit ng sili na nasa loob ng suka na nakalagay sa bote ng catsup at panghalo.
Kung di mo alam magtimpla, panoorin mo tong video na to:
http://nayontenor.blogspot.com/2009/10/how-to-make-timpla-your-sibuyas-when.html
Magorder ka na rin ng redhorse, alak o kung anomang drinks para di ka mainip. Wag mong kalimutan ang baso at ice.
7. TIRA!
Dumating na yung pinakahihintay mo, ang inorder mong pansit. Eto, magandang technique, kung talagang gutom ka na at marami kang kasama, tulungan mong mag-abot ng pansit yung nagseserve, kasi habang nagaabot ka, hanapin mo na yung pinakamarami tapos itabi mo ito kaagad. Haluan mo na ng sibuyas o kaya dilaan mo yung kutsara para di na nila ito maagaw sa iyo. Pagkatapos gawin ang lahat ng yon, titigan mo ng maigi ang pansit mo. Mag-imagine. Ipikit mo ang iyong mga mata. (Wag kang mag-alala, wala mang-aagaw ng pansit mo, dinilaan mo na yung kutsara). Relax. Breathe deep. Amuyin ang pansit at buksan ang iyong mga mata.
Di mo akalain na mauubos mo ito within 5 minutes. Kunin ang kutsara at tinidor. Basagin ang itlog na nakapatong (pwede rin hinde) at ishuffle ang iyong pansit. Tikman, wag masyadong marami, wag konti, dapat katamtaman lang ang rami. Namnamin at isipin mo na baka ito na ang pinakahuling pansit na kakainin mo. At bakit naman? Wala lang, para cool ang dating.
8. IBUHOS.
After a few minutes, darating na ang sabaw. Magingat lang sa sabaw kasi meron yung sineserve na sobrang init baka mapaso dila mo. Maraming technique kung paano higupin ang sabaw e. Meron yung iba, gumagamit ng kutsara, yung iba naman, deretso na dun sa baso pero eto ang mas hardcore, yung ibinubuhos ang sabaw dun sa kanilang pinggan. Mas hardcore kasi yung mga naiwan na "butil" ng pansit e naihahalo sa sabaw. yung iba naman, ihahalo nila yung itlog na itinabi nila sa sabaw. Pero alin ba ang pinakamasarap gawin? Syempre, yung hardcore para magmukha kang cool ulet.
9. MAGRELAX.
Ubos na ang sabaw, ubos na ang pansit... Ang masarap gawin, magpalpa. Yosi yosi ka muna sa tabi, inom ng konting softdrinks. Tayo, itaas ang damit, labas ang tiyan... Kung wala kang tiyan, di ka tunay na lalake.
10. ISIPIN KUNG MAG TAKE TWO.
Ngayon, busog ka na ba? Di porket ubos na ang pansit mo, titigil ka na rin sa kakakain. Isipin mo, mag tetake two ka pa ba? O hindi na? Magpapansit ka na lang ulit bukas noh? Yeah!
So always remember, kung ikaw ay magpapansit,
set your mood
assess your companion
find for a good place
sure ka na ba?
position yourselves
the fork play
tira!
ibuhos
magrelax
isipin kung mag te take two
yan ang pansit... parang sex...
Dedicated sa nagimbento ng Pansit Batil Patung. Dude, kung sino ka man, isa kang henyo!!!!
posted by:
zuluwashere
Saturday, January 2, 2010
STARS
Wednesday, December 30, 2009
SINO KAYA ANG BASTOS?
Charmine Sheen
helo poh
helo poh
6:12pmNayon
good eve po!
6:13pmCharmine Sheen
u 2 poh
6:18pmCharmine Sheen
hehe
6:22pmCharmine Sheen
may tao pa ba po
6:22pmNayon
meron po mam
6:23pmCharmine Sheen
akala ko poh wala na kac po eh
6:23pmNayon
i see...
so ano po meron ngayon mam?
6:24pmCharmine Sheen
ano pong ibig nyong sabhin saakin poh
6:25pmNayon
parang whats up po mam
6:27pmCharmine Sheen
well....,ckret k na po un po
6:27pmNayon
ahhh ok po mam
6:28pmCharmine Sheen
cgeh po
6:28pmNayon
\m/
6:28pmCharmine Sheen
ok lng po un sakin poh
6:45pmCharmine Sheen
HEHEHEH POH
6:46pmNayon
hm? weird kang kausap
6:47pmCharmine Sheen
BOBO P B KAU SIR PO SIR
6:47pmNayon
oo bobo ako
ikaw matalino ka?
6:48pmCharmine Sheen
GAGU
6:48pmNayon
ok
6:48pmCharmine Sheen
OPO MATALILINO PO AKO
6:49pmNayon
naman pala e... bat di mo maintindihan yung mga sinasabi ko?
tapos minumura mo pa ako?
diba kagagawan ng isang bobo yan?
6:52pmCharmine Sheen
BASTOS PO B KAU POH
6:52pmNayon
nde
icheck mo kaya yung mga message mo para malaman natin kung sino ang bastos
6:53pmCharmine Sheen
EH BAKET PO MASAKIT PO KAU MAG TYP NG MESSAGE
6:53pmNayon
asan?
tingana mo kung sino nauna
*tingnan
6:54pmCharmine Sheen
ilan taon ka na ba
hah
6:55pmNayon
times two po ng age mo mam
6:56pmCharmine Sheen
]36
6:56pmNayon
aw
hindi pala
ten years older
6:57pmCharmine Sheen
GAGU ka pla eh
6:58pmNayon
ikaw hindi ka ba tinuturuan ng magandang asal?
gagu ka ng gagu e
6:59pmCharmine Sheen
es nagsalita daw si santino
6:59pmNayon
hindi ako si santino
7:00pmCharmine Sheen
si bro poh
7:01pmNayon
i dont watch those kinds of things madam...it only dirties your mind
7:02pmCharmine Sheen
TANGINAMO
7:02pmNayon
tulad mo
your just a waste of time
bye
Friday, December 18, 2009
MY ASTIG MOMENTS...

- Minsan umuwi akong lasing, tinamad akong magbukas ng inidoro kaya sa lababo ako umihi.
- Nung Grade 1 pa lang ako, humingi ako ng juice dun sa classmate ko, ayaw akong bigyan kaya yun, binuhos ko juice nya, tanong ng teacher kung bakit? sabi ko para tumaba ako.
- Tanong at sagot ko sa isang interview question: Q:If you were given a ticket to any destination, where would you like to go and why? A: I wanted to go to Mars because I wanted to take a dump on its surface.
- Nanghuli ako ng bambang bahay, nilagyan ko ng isnowpake yung pwet at ibinenta ko sa isang bata kasi napaniwala ko siya na isa iyong "tanaan".
- Nagtext si Rowee sa akin, tanong niya kung ano magandang itext sa isang namatayan para matuwa naman siya. Nagreply ako. Sabi ko: unlitxt20
- Sa National Bookstore, nagtanong si Tope kung anong kulay ng stabilo ang magandang gamitin. Sabi ko black para metal kung tignan.
- Isa na namang interview question: Q: What is your long term goal in life? A: I wanted to become a turning point in history but I don't know how, maybe I'll find it out later.
- Napaniwala ko nuon ang isang classmate na nanalo ako ng trip for 2 na ticket sa Dallas para manood ng NBA Finals.
- Pinakain ko ang isang classmate ng asusena na paniniwalang isa iyong karne ng kambing.
- Nanghingi ako ng tiglilimang piso sa mga classmate at schoolmates ko nuon hanggang sa nakaipon ako ng 100php na pinambili ko ng NBA cards.
- Nagtext ako sa isang friend na hindi ako makakapunta sa isang importanteng lakad. Galit na galit siya nung nareceive nya iyon. Tawa naman ako ng tawa kasi nasa likod lang pala niya ako.
- Pinakain ko ng sili yung pusa namin.
- Nung bata pa ako, may nakita akong fence na obvious na binangga ng isang jeep tapos sinabi ko dun sa may-ari na dati nang sira yung fence at walang kasalanan yung jeep.
- Nung bata pa ako, may nakita akong kupal na bumibili ng juice, nakita kong nagbayad yung kupal pero nung tinanong nung nagbebenta kung nagbayad na siya, sabi ko hinde.
- Nagpaalam ako sa tatay ko na labas lang ako saglit, yun pala, pumunta ako sa Lal-lo.
Bakit ko sinasabi ang mga ito?
posted by:
zuluwashere
Thursday, December 3, 2009
USO

USO...
Sunday, November 8, 2009
BACK MASKING: REAL or HOAX
Wednesday, November 4, 2009
LETTER KO SA PLDT CUSTOMER CARE SERVICE
Tuesday, November 3, 2009
KURT COBAIN'S SUICIDE NOTE

Monday, November 2, 2009
PLAGIARISM OR COINCIDENCE?
VIDEO #3
Saturday, October 31, 2009
UNREADABLE BAND LOGOS
- Absu (http://www.myspace.com/absu)
- Ater (http://www.myspace.com/aterblackmetal)
- Baxaxaxa (http://www.myspace.com/baxaxaxahellfire)
- Bestial (http://www.myspace.com/bestialnoisegore)
- Darkified (http://www.myspace.com/darkified)
- Dr. Acula (http://www.myspace.com/dracula1423)
- Embryonic Depravity (http://www.myspace.com/brutaljams)
- Equimanthorn (http://www.myspace.com/equimanthornmusik)
- Filii Nigrantium Infernalium (http://www.myspace.com/fninfernalium)
- Forgotten Land (http://www.myspace.com/forgottenlandforgotten)
- Impiety (http://www.myspace.com/impietyofficial)
- Infernal Possession (http://www.myspace.com/infernalpossessionband)
- Korgonthurus (http://www.myspace.com/korgonthurus)
- Multiplex
- Prosanctus Inferi (http://www.myspace.com/prosanctusinferi)
- Waking the Cadaver (http://www.myspace.com/wakingthecadaver)
Thursday, October 29, 2009
BAND FIGHTS, STAGE FIGHTS, FAILS, BOTTLE THROWING AT SARI-SARING VIOLENCE
Sana may mapulot kayong aral... Be Happy!!!!
Wednesday, October 28, 2009
THE DEVIL'S TRILL SONATA

The Violin Sonata in G minor, more famously known as the Devil's Trill Sonata is a famous work for solo violin (with figured bass accompaniment) by Giuseppe Tartini (1692–1770), famous for being extremely technically demanding, even today.
- Violin Sonata in G minor
- Larghetto affettuoso
- Allegro moderato
- Andante
- Allegro assai-Andante-Allegro assai
The story behind "Devil's Trill" starts with a dream. Tartini allegedly told the French astronomer Jérôme Lalande that he dreamed that The Devil appeared to him and asked to be his servant. At the end of their lessons Tartini handed the devil his violin to test his skill—the devil immediately began to play with such virtuosity that Tartini felt his breath taken away. When the composer awoke he immediately jotted down the sonata, desperately trying to recapture what he had heard in the dream. Despite the sonata being successful with his audiences, Tartini lamented that the piece was still far from what he had heard in his dream. What he had written was, in his own words: "so inferior to what I had heard, that if I could have subsisted on other means, I would have broken my violin and abandoned music forever." It was believed to have been a song that was played in heaven but was banished for its negativity against God. It is also believed that if you played it your soul would belong to the devil forever. In other words, it is believed that this is one of the hardest pieces ever written for the violin, featuring many different skills the violinist must master in order to play it skillfully.
(taken from Wikipedia)
posted by:
zuluwashere
Tuesday, October 20, 2009
MY FAVE VOCALISTS...
1. Adam Gontier of Three Days Grace
Three Days Grace Live at the Palace 2008 Adam Gontier Rooster + Extra's - Awesome video clips here
2. Eddie Vedder of Pearl Jam
3. Chris Daughtry
4. Scott Weiland of Stone Temple Pilots
5. Layne Staley of Alice in Chains
Monday, October 19, 2009
STRAIGHT EDGE?
Tanong ng marami sa akin, "Pare, hindi ka na raw umiinom?".Sagot ko naman, "Oo, pati nga yosi itinigil ko na rin.".
Karaniwang reaction: "Ladduk! Goggog ka e!"
Marami man ang hindi naniniwala, itinigil ko na talaga ang mga yan. Bakit? Ewan...
Advantages of Smoking:
- Magandang career move kasi pag maaga kang nagkasakit, maaga ka ring mag-retire...
- Pwedeng pang sindi ng labintador.
- Nakakaamuse ng mga barkada lalo na kung kaya mong gumawa ng smoke rings
- Nakakafertilize ng mga halaman pag tinatapon mo ang cigarette butt sa flower pot. (umaalis kasi yung mga insekto)
- Binibigyan mo ng kabuhayan ang mga nagbebenta ng yosi sa paligid.
- Pwede pang design sa sand castle ang mga cigarette butts
- Pampaalis ng roommate/kapitbahay na ayaw mo
- Pwedeng rason para tumambay sa kanto
- Pwedeng pampapayat
- Pwedeng kasama pag ikaw ay natatae
- Pag wala ka kausap, pwede mo siyang hithitin.
- laging may hawak ang kamay mo
- pampatanggal ng sakit ng ulo
Advantages of drinking liquor:
- May rason ka para hindi pumasok ng trabaho bukas dahil masakit ang ulo mo kinabukasan
- Malaki ang possibility mong maka-score ng tsik kung sakaling pareho na kayong lasing
- Makakatipid ka ng tubig
- Syempre magkakaroon din kayo ng bonding with your friends
- Sabi sa biblya masarap daw ang uminom
- Although mapait, masarap pa rin
- Lower risk of heart attack
- Beer contains vitamin B6 which is needed to make haemoglobin, the red coloring in blood.(copy - paste to)
- Beer is fat free, aids restful sleep and promotes relaxation. (copy - paste ulit ito)
- Pwede kang mangutang kasi nagbibigay ng temporary Amnesia, hindi mo alam kung ano ginawa mo kagabi
- napapraktis mo ang English mo
- nagbibigay ng karagdagang lakas ng loob
- gumagaling ka sa pagkanta
- tumatalino ka
posted by:
zuluwashere
Sunday, October 18, 2009
CHRISTIAN MORALITY OF DRINKING
"'No iturongkayo,' insungbat ti ubas, 'di pay ket mabaybay-akon ti arakko a mangparagsak kadagiti didiosen ken kadagiti tattao?' -UK-UKOM 9:13 (JUDGES 9:13)
Agaramid iti arak a mangparagsakm kenkuana, lana ti olibo a mangparaniag iti rupana ken tinapay a mangted iti pigsa na - DAGITI SALMO 104:15 (PSALMS 104:15)
Ited koma ti Dios kenka ti linnaaw ti langit ket padamegenna dagiti talonmo. Ikkannaka koma iti adu a trigo ken arak - GENESIS 27:28
Agpaay kadagiti agbugbugsot ti naingel nga inumen, wen, agpaay kadagiti tao nga agrigrigat. Palubosam ida nga uminum tapno malipatanna ken ti kaawan ti ragsakda. - DAGITI PROVERBIO 31:6-8 (PROVERBS 31:6-8)
Anian a kinasayaat ken kinapintas ti pagbalinanto ti daga! Pumigsa dagiti agtutubo iti trigo ken arak. - ZACARIAS 9:17 (ZECHARIAH 9:17)
Saan la nga danum iti inumem, ngem gapu iti tianmo ken ti masansan a panagsakitmo, uminom ka met iti sangkabassit nga arak. - 1 TIMOTEO 5:23 (1 TIMOTHY 5:23)
Idi naibusen ti arak, kinuna ti ina ni Jesus kenkuana, "Naibusandan iti arak."
"Babai," insungbat ni Jesus, "saan a masapul nga ibagam ti aramidek. Di pay dimteng ti orasko."
Nupay kasta, kinuna ti ina ni Jesus kadagiti agserserbi, "Aramidenyo ti aniaman nga ibagana kadakayo."
Adda alagaden dagiti Judio maipapan iti panagbuggo; isut gapuna nga adda innem a burnay sadiay nga aglaon ti tunggal maysa iti agarup nga 100 a litro.
"Punnoenyo dagiti burnay iti danum," kinuna ni Jesus kadagiti agserserbi.
Pinunnoda ngarud dagiti burnay.
"Ita," kinunana kadakuada, "tumakokayo ket ipanyo iti agaywan iti padaya."
Inaramidda ngarud ti kasta.Idi naramanan iti agay-aywan ti danum a nagbalin nga arak, inayaban ti nobio. Saanna nga ammo ti naggapuan daytoy (nupay ammo dagiti agserserbi, ta isuda ti timmako iti danum).
Kinunana iti nobio, "Ugali dagiti tattao nga ipasango nga umuna ti kaimasan nga arak sadanto ipasango ti kadawyan nga arak no adun ti nainum dagiti sangaili. Ngem sika, inyud-udim ti kaimasan nga arak agingga ita!" - JUAN 2:3-10 (JOHN 2:3-10)
Ibagak kadakayo; diakto uminumen iti arak ti ubas agingga iti dayta nga aldaw a pannakiinumko kadakayo iti baro nga arak ti ubas idiay Pagarian ni Amak." - MATEO 26:29 (MATTHEW 26:29)
posted by:
zuluwashere
Friday, October 16, 2009
Friday, October 9, 2009
COMMON TRIKE DRIVER REPLIES
Me:
"Tricy!"
Tumigil ang tricy sa harap ko:
Me:
"Nung ta
(Kuya sa may ano
Random Tricycle Driver:
"Doblem la so ngana..."
(Mag double pay ka na lang)
"I-capacity mu la ngana"
(Bayaran mo na lahat ng bakante)
"Piga kamu?"
(Ilan kayo?)
"Tadday ka lang?"
(Mag-isa ka lang?)
"Ararayyu!"
(Malayo!)
"Highway?"
"Afu awan!"
(Naku Hinde!)
"(snob kasi mag-isa mo lang at dahil na rin nakakita siya ng isang grupo na nag-aantay din ng tricy)"
"Ammungammu la ta singko ngana..."
(Dagdagan mo na lang ng limang piso)
"Ay... egga gare sunduk..."
(Ay... May susunduin pa kasi ako...)
"Plaza lang!"
"Ta kanto ka la so ngana"
(Sa kanto ka na lang)
"Pagammu pattolik ngam"
(Bayaran mo pati pagbalik ko)
"Katsawin... Itulnuk ku lang yaw..."
(Halika na... Ihatid ko lang ito...)
"Kuman nak labbi..."
(Kain lang ako)
Nakakatawa naman... Dati ko nang alam ang mga isasagot nila...
Ito ay mga reply ng karamihan na tricy driver lamang, di naman lahat ng tricy driver e bastos at walang modo. Meron pa rin naman diyan yung nagsusumikap at nabubuhay ng marangal pero iilan lang sila.
posted by:
zuluwashere
Tuesday, October 6, 2009
UNCOMMON THINGS: THE KILLER IN ME



Di pa kumpleto to... Bale yan pa lang yung mga nababasa ko... Yung iba, nakatago lang, saka ko na ilalabas pag may natapos ulit akong bagong libro... Saka yung iba, hiniram, di pa binabalik...posted by:
zuluwashere
Friday, October 2, 2009
NO HOSPITALITY FOR THE KOREANS?
I saw this Korean blogs in twitter from Koreans. I remeber what 1 of the Koreans sd "hv u heard d news? The monkey island Philippines is flooded. I hope the rain will never stop to drown those monkeys". All of them are laughing! Another retard Korean said "they wil all die bcoz monkeys vnt swim" then LAUGHED. Pls pass this message. Koreans in our country doesnt deserve our hospitality! Walanghiya cla.. Tsktsktsk..
What do you think? Tama ba na di natin bigyan ng hospitality ang MGA koreans? Ang masasabi ko naman, napakabobo naman nung nagsimula ng text message na ito. Bakit mo aawayin ang lahat ng mga Koreans? Ang gusto mo bang palabasin e, buong Korean civilization ang nagsabi nito? Anong kasalanan nung iba? Siguro yung nagsimula neto e may galit talaga sa mga Koreans. Parang text scam e... Hindi nga lang pera yung pinaguusapan... Sa mga naforwardan ng message na ito pati na rin dun sa mga nagforward, sana di tayo maging judgemental. Porke bat finorward na ang messsage na ito e totoo na? Humanap muna kayo ng proof bago kayo maging marahas sa mga makikita ninyong Koreans. Pero ewan ko, kung sakali mang totoo, tama ba na itigil natin ang ating pagiging hospitable sa kanila? Mamimili ba tayo ng tao? Nasaan ang values nating mga pinoy kung ganon? Ito ang mas masahol, (galing ito sa tunaynalalake.blogspot.com) tingnan nyo na lang ang mga pic (click nyo para mas lumaki):


Pinay pa mismo ang nagsabi nyan... Bat di yan ang pansinin nyo? Porke bat Pinay siya?
So ngayon, after a long reflection about this topic, ano ang gagawin ko para matapos na to?
Wala! Magdodonate na lang ako ng mga damit!

posted by:
zuluwashere















