Showing posts with label humor. Show all posts
Showing posts with label humor. Show all posts

Friday, December 18, 2009

MY ASTIG MOMENTS...


OO GAGO RIN AKONG KATULAD MO! Akala niyo siguro mabait ako pero hinde. Narito ang ilan sa mga pinaggagawa ko at mga pinagsasabi ko na marahil ay hindi nyo alam:
  1. Minsan umuwi akong lasing, tinamad akong magbukas ng inidoro kaya sa lababo ako umihi.
  2. Nung Grade 1 pa lang ako, humingi ako ng juice dun sa classmate ko, ayaw akong bigyan kaya yun, binuhos ko juice nya, tanong ng teacher kung bakit? sabi ko para tumaba ako.
  3. Tanong at sagot ko sa isang interview question: Q:If you were given a ticket to any destination, where would you like to go and why? A: I wanted to go to Mars because I wanted to take a dump on its surface.
  4. Nanghuli ako ng bambang bahay, nilagyan ko ng isnowpake yung pwet at ibinenta ko sa isang bata kasi napaniwala ko siya na isa iyong "tanaan".
  5. Nagtext si Rowee sa akin, tanong niya kung ano magandang itext sa isang namatayan para matuwa naman siya. Nagreply ako. Sabi ko: unlitxt20
  6. Sa National Bookstore, nagtanong si Tope kung anong kulay ng stabilo ang magandang gamitin. Sabi ko black para metal kung tignan.
  7. Isa na namang interview question: Q: What is your long term goal in life? A: I wanted to become a turning point in history but I don't know how, maybe I'll find it out later.
  8. Napaniwala ko nuon ang isang classmate na nanalo ako ng trip for 2 na ticket sa Dallas para manood ng NBA Finals.
  9. Pinakain ko ang isang classmate ng asusena na paniniwalang isa iyong karne ng kambing.
  10. Nanghingi ako ng tiglilimang piso sa mga classmate at schoolmates ko nuon hanggang sa nakaipon ako ng 100php na pinambili ko ng NBA cards.
  11. Nagtext ako sa isang friend na hindi ako makakapunta sa isang importanteng lakad. Galit na galit siya nung nareceive nya iyon. Tawa naman ako ng tawa kasi nasa likod lang pala niya ako.
  12. Pinakain ko ng sili yung pusa namin.
  13. Nung bata pa ako, may nakita akong fence na obvious na binangga ng isang jeep tapos sinabi ko dun sa may-ari na dati nang sira yung fence at walang kasalanan yung jeep.
  14. Nung bata pa ako, may nakita akong kupal na bumibili ng juice, nakita kong nagbayad yung kupal pero nung tinanong nung nagbebenta kung nagbayad na siya, sabi ko hinde.
  15. Nagpaalam ako sa tatay ko na labas lang ako saglit, yun pala, pumunta ako sa Lal-lo.

Bakit ko sinasabi ang mga ito?

posted by:
zuluwashere

Thursday, November 12, 2009

FUNNY BLACK METAL

Sino ang nagsabi na palaging galit at seryoso ang mga Black Metal na banda? Hindi mo ba alam na nakakatawa din sila. Kung hindi mo naiintindihan itong sinasabi ko, panoorin mo na lang itong video.



Nahanap ko ito sa youtube.
uploaded by: mdbxyzxyzxyz

posted by:
zuluwashere

Thursday, October 29, 2009

GWAPOMAN: CHAPTER 10

Chapter 10 (Puso ng Anghel)

Nagulat si Rei kay Little Rowee…

Rei: Papaano ka nakapunta diyan sa likod ko? Ambilis mo naman?
Little Rowee: Ha?
Rei: A ewan…

Pinuntahan ni Rei si Angelica, lumuhod at hinalikan ang kanyang kamay…

(BABALA: Korni ang mababasa niyo, kaya wag tularan…)
Rei: Miss, ang ganda mo naman… Angelica daw pangalan mo? Sadyang totoo nga… Nababagay sa mala-anghel mong mukha at mala-langit mong ngiti. Bakit ka ba ihinulog ng langit sa lupa?
Angelica: Uhmmmm… Sino ka?
Mama Jam: (Sumingit sa gitna) Siya si Rei, ang taong nagligtas sa akin…
Rei: Mas maganda siguro kung ako na lang ang mag-iintroduce sa sarili ko… (tumayo… tumalikod at pumorma)

In-off ni Rei ang ilaw para magkaroon ng konting effects ang paligid…

Rei: Ako si Rei. Ang pinakagwapong nilalang sa mundo. Nasa akin ang pagkaangas ni Brad Pitt… Ang dimples ni Tom Cruise… Ang katawan ni Randy Orton… Ang pagka-cool ni Johnny Depp… Ang…
Angelica: Uy! Little Rowee! Andiyan ka pala!
Rei: Uy… Makinig ka naman…
Angelica: (Di pinansin si Rei) Ang cute mo pa rin! Pakurot naman ng pisngi saka pa-hug na rin! (niyakap si Little Rowee)
Rei: Ako rin, gusto ko ng hug!
Mama Jam: Hug pala ha?! Eto!(Niyakap ng mahigpit si Rei)
Rei: Aaaaaahhhh!!! Ayoko sa’yo! (nagpumiglas)
Mama Jam: Hay nako… Kung type mo si Angelica, wag ka nang umasa…
Rei: Bakit naman? Wag mong sabihin isa rin siyang… Katulad mo?
Mama Jam: Hinde noh?! Ang ibig kong sabihin ay engaged na si Angelica…
Rei: Huwaaattt?!
Angelica: Tama ang sabi niya… Engaged na nga ako… (sabay pinakita ang wedding ring sa kanyang kamay)
Rei: (Nalungkot) Bigo na naman ako sa pag-ibig… Huhuhu… Sino naman yung maswerteng papakasalan mo?
Angelica: Yung matagal ko nang hinihintay, si Alain Victor Hugas.
Rei: Inaantay?
Angelica: Oo… Matagal na siyang umalis… Magtatatlong taon na… Inaantay ko ang kanyang pagbalik… Nangako siya sa akin…
Rei: Saan ba siya pumunta?
Angelica: Isang napakahabang kwento… (naluha)
Rei: O wag kang umiyak… (binigyan ng tissue si Angelica)
Angelica: Salamat… Wala to…
Mama Jam: Angelica… Ikwento mo na kasi… Malay mo baka makatulong si Rei sa problema mo…
Angelica: Wag na… Magiging malaking perwiso lang ito sa kanya…
Rei: Ayos lang… Wala naman akong ginagawa ngayon… Tambay-tambay lang ganun… Saka kung para lang sa iyo eh di na ako hihingi ng kapalit…
Angelica: Sure ka?
Rei: Oo naman! Promise!
Angelica: Ok sige then… Ganito kasi yun…

At nagsimula nang magkwento si Angelica tungkol kay Alain Victor Hugas…



to be continued...



posted by:
zuluwashere

Friday, October 23, 2009

GWAPOMAN (CHAPTER 9)

Chapter 9 (Light)


Hagupit ng Liwanag…

Paano mo ito tingnan?

Katalinuhan?

Iluminasyon?

Pagkabulag?

Pagsabog?

Saan ka nito dadalhin?

Sa kaayusan?

o sa isang maapoy na lugar?

Magtitiwala ba tayo sa liwanag?

o maninirahan na lang tayo sa dilim?

Napakabilis…

Napakaganda…

Ngunit nakakapanlinlang…

Mahirap intindihin hangga’t di mo maranasan

Pag dinaanan ka…

Ayos lang ba?

Isa lang ang sigurado…

Madaanan ka man o hinde…

Mananatili pa rin

Ang kanyang kagandahan…


Sa loob na parlor ni Mama Jam…



Little Rowee/Rei: Pagkain! Pagkain! Pagkain!

Mama Jam: O siya siya siya! Tama na yang kasisigaw nyo at eto na ang aking specialty! Tadaaahhhh! (binuksan ang kumukulong kaldero)

Rei: (inamoy) hmmm… ambango ah! At mukhang masarap pa! Patikim ha? (tinikman ang luto ni Mama Jam)

Mama Jam: O anong lasa?

Rei: Ang sarap!!!! Hwooooohhhh!!! Patikim ulit ha? (tumikim ulit) Woooohhhh!!! Ano ba ito? Ang sarap!

Little Rowee: Yan ang paborito kong ulam, ang pinakuluang itlog ng kabayo! P.I.N.K for short!Rei: Hah?! (nag-faint)

Mama Jam: Isa na namang tao ang hinimatay sa sarap ng luto ko! Masarap na, nagbibigay pa ng sustansya!

Rei: (Nagising) asan ang kubeta?

Little Rowee: Dun… (tinuro)


Nagmamadaling tumakbo si Rei papuntang kubeta


Mama Jam: Hay nako… Magjejerbs yan para lumaki ang capacity ng tiyan niya…


Biglang may kumatok sa pinto nila Mama Jam…


Mama Jam: Sus! Ano na naman yan? Mga Royal Guards na naman?

Boses ng babae: Mama Jam, andiyan ka ba?

Mama Jam: Aba, customer ata, teka lang… sarado kami ngayon…


Binuksan ni Mama Jam ang pinto…


Mama Jam: Ay! Ikaw pala! Halika pasok!

Boses ng babae: Salamat Mama Jam… Musta kayo? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo…

Mama Jam: Well… Eto… buhay naman, buti nga mat tumulong sa akin e…

Boses ng babae: Mabuti naman kung ganon, syanga pala may pasalubong ako ke Little Rowee… Eto o… (binigay ang hawak hawak na basket…)

Mama Jam: Wow Thank you! Nag-abala ka pa…


Lumabas si Rei mula sa banyo at nakita yung babae na kausap ni Mama Jam…


Rei: Huh… Sino siya?! Ang ganda niya!

Little Rowee: (biglang nagsalita sa likod ni Rei) Siya si Angelica, ang tapat na customer ni Mama Jam…





TO BE CONTINUED...



posted by:
zuluwashere

Sunday, October 18, 2009

CONVERSATIONS WITH TON DELLAMORTE (CALL CENTER AGENT)

Nayon

Uhmmm. Hello?

3:57pmTon

yoh!

3:57pmNayon

Do you speak English?

3:57pmTon

ari nung!

3:57pmNayon

What? I dont understand you!

Can I talk to your manager?

please

3:58pmTon

i'm gonna need your billing and credit card number before i can transfer you over

haha!

kinenam

jam ikaw ba yan?

3:59pmNayon

what? i cant give you my credit card number... however, i can give you the last 4 digits of my social

3:59pmTon

Haymen!

4:00pmNayon

Are you trying to curse me?

I'm gonna sue you!

4:01pmTon

haha!

Si Alvin pala!

4:02pmNayon

English please! Goddamnit!

Can i talk to your manager?

what account is this by the way?

4:04pmTon

What the fuck men! I ain't at work!

Wrong number!

4:05pmNayon

Really? How come? Is this the "Dial an asshole" number?

4:07pmNayon

hey! i'm talking to you!

4:07pmTon

Nope, but I'd be happy to transfer you over Mr. Asshole!

4:07pmNayon

hey! i'm talking to you!

Transfer where? I aint goin nowhere!

4:07pmTon

Would you like to get the number in case we get disconnected during the transfer?

4:08pmNayon

sure... whats the number? wait ill just get my paper and pen

ok whats the number?

4:08pmTon

This would be the right number: 09151844678

4:10pmNayon

hey! thats not a 1 -800 number!

4:10pmTon

its 0915 1844 678

ah no sir

4:11pmNayon

oh i get it, thats the "Fuck i'm retarded" number!

4:11pmTon

that' a direct number

4:11pmNayon

a number to whom?

4:12pmTon

so that you won't have to go through our voice machines anymore

so that you won't have to go through our voice machines anymore

you'll be answered directly by our assholes

4:12pmNayon

oh so your a talking asshole

4:13pmTon

it seems that you misunderstand sir

your in the wrong department!

would you like me send over an asshole for you?

4:13pmNayon

what department is this anyway? the sissy department?

4:16pmNayon

are you still there?

4:16pmTon

This is the Retard Deparment

4:17pmTon

i won't be able to assist you sir unless if your a retard

4:17pmNayon

Retard? Whats an asshole like you doing in the retard department?

4:17pmTon

Seing your situation sir, i guess you are a retard

i do apologize for being unable to properly lookup your brain sir

how may I help you today?

4:19pmNayon

Yeah, you can help by squeezing my penis

Its stuck in your mouth

4:21pmNayon

hEY! sTILL THERE? Cant hear you! Is my penis still stuck in your mouth?

4:22pmTon

I seems that you have a bundled account sir

4:22pmNayon

bundled? no jargons please

4:22pmTon

other than your retard account you're also availed for being an sex maniac bastard

i'm gonna have to put you on hold

4:23pmNayon

i never availed of anything?

4:23pmTon

please stay on the line

4:23pmNayon

hey! you cant put me on hold!

4:24pmTon

♪♫♫♪♪♫

4:24pmNayon

i need action here!

damn! your music sucks!

4:24pmTon

♫♪♫♪♪♪♫





posted by:

zuluwashere

Saturday, October 17, 2009

GWAPOMAN (CHAPTER 8)

Chapter 8 (Rowee)

Ang nakaraan: Tinalo ni Rei si Death Afro gamit ang kanyang Eternal Beauty at pagkatapos nun, niyaya siya ni Mama Jam pabalik sa kanyang parlor upang makabawi naman kay Rei ng kahit konti.

Pagkarating nila sa Parlor…

Mama Jam: Aaaarrrggghhh! Ang parlor ko! Waaaaahhhh!!!
Rei: Awts… Sila ba sumira nito? Lupit nila ah…
Mama Jam: (pinulot ang isang piraso ng basag na salamin at sa kanyang galit ay na grip nya ito) Nanalo si Boy Paa ngayon pero hindi pa tapos ang laban…

Nang biglang may sumigaw sa likod…

Boses 2: Mama Jam! Mama Jam! Nagbalik ka na!

Napalingon si Mama Jam at si Rei.

Nakita nila ang isang mala-bondying na tao ang biglang lumapit galing sa isang madilim na sulok…

Mama Jam: Little Rowee! Mabuti naman at walang masamang nangyari sa iyo!
Rei: (little ba ang tawag diyan?)
Little Rowee: Kung nandito lang ako nun, sana naipagtanggol pa kita… (niyakap si Mama Jam)

Nakita ni Little Rowee si Rei…

Little Rowee: Mama, sino yan? Boyfriend mo?
Rei: Boyfriend? Ako?! Neva!
Mama Jam: Hinde anak, siya ang nagligtas sa akin mula sa mga Royal Guards.
Little Rowee: Ah ganun ba? O yang kamay mo, dumudugo, sandali lang at kunin ko yung first aid kit…
Mama Jam: Salamat…

Exit si Little Rowee, kinuha ang first aid kit…

Rei: May anak ka pala… bait ah…
Mama Jam: Actually, inampon ko lang si Little Rowee… Survivor yan ng Baby Oil Genocide… E naawa ako sa kanya kaya yun, kinupkop ko at tinuruan ko ng mga beautifying techniques…
Rei: I see… Syanga pala, ano ba ang itsura ni Boy Paa?
Mama Jam: Isa siyang magaling na barbero, mayaman, pangit… pero ang pinaka kakaibang katangian nya ay yung isang paa niya…
Rei: Bakit? Anong meron sa isang paa niya? May alipunga ba?
Mama Jam: Hinde, gawa ito sa ginto…
Rei: Ginto?! Paano nangyari yun?
Mama Jam: Aksidente yata… Hindi ko alam…

Bumalik ulit tayo sa gitna ng kagubatan.
Biglang may mga matang dumilat… Ang mga mata ni…

Royal Guard3: Huh! Buhay pa ako! (bumangon) Hoy! Saan na kayo?! Bakit nyo ako iniwan?! (pasigaw na sabi ni Royal Guard3)

Nakita ni Royal Guard3 si Death Afro…

Death Afro: Hoy… Tulungan mo ako… (naghihingalo)
Royal Guard3: Yun lang pala eh… (pinulot ang kanyang sandata)
Death Afro: A-anong gagawin mo?
Royal Guard3: Para matigil na yang kahirapan mo… (tinaga sa ulo si Death Afro)

Royal Guard3: Eh kung nagpatay-patayan ka kanina, e di buhay ka pa sana… Hehehe…
(pinulot ang supot ng ginto) Buti na lang hindi nila nakita ito… Masosolo ko na ito… Hehehe…

Nang biglang…

Boses na naman: Sino ka?
Royal Guard3: Huh? Ako dapat ang magtatanong! Sino ka?
Boses na naman: Saan nanggaling ang liwanag na nakita ko kanina? Nararamdaman ko… Napakalakas…
Royal Guard3: Huh… Ako ba ang tinutukoy mo? Umalis ka dito, ngayon din kung ayaw mong masaktan!
Boses na naman: Ikaw?
Royal Guard3: Ayaw mong umalis ha? Tikman mo to! (inatake si “boses na naman”)
Boses na naman: (hindi man lang natinag) Yan lang ba ang kaya mo?
Royal Guard3: Hindi… (tumakbo palayo)
Boses na naman: Etong sa iyo! INFINITE BEAUTY!

(lumiwanag ulit ang paligid)

Sunday, October 11, 2009

GWAPOMAN (CHAPTER 7)

Chapter 7 (Rei)

Ang nakaraan: Pinakawalan ni Death Afro ang kanyang pinakamalakas na kapangyarihan habang pinakita naman ni “boses” ang lakas ng kanyang sandata. Nagsalubong silang dalawa sa ere at biglang lumiwanag…

Mama Jam: Aaaahhhh…. Nakakabulag naman tong liwanag…

Nung humupa yung kakaibang liwanag, naiwan na lang na nakatayo si “boses” habang nakaratay si Death Afro…

Boses: Tapos na ang laban Death Afro…
Death Afro: Sa tingin ko nga… Obvious ba? (ubo) Pero paano mo nagawang talunin ang aking kapangyarihan? (ubo)
Boses: Simple lang yan… Napansin ko lang na hindi basta-bastang napapagalaw ng isang ordinaryong tao ang kanyang mga buhok pero nung nakita kong maraming kuto pala ito, nalaman ko ang sikreto neto… Yung mga kuto ang kumokontrol sa iyong buhok… Kaya ang ginawa ko, bago pa man dumikit ang mga kuto mo sa akin, binuhusan ko ang aking buong katawan ng anti-kuto na shampoo…
Death Afro: Hahaha… Magaling… Magaling… Hindi ko man lang napansin kung paano mo ginawa yon… Sadyang napakalakas nga ng aking kalaban… (ubo)
Boses: Sabihin mo sa akin, bakit nyo kinadena ang baklang to, anong kasalanan ang ginawa nya? (sabay turo kay Mama Jam)
Death Afro: Wala siyang kasalanan…
Mama Jam: Sinasabi ko na nga ba e! Planted ang ebidensya! Bakit gusto nyo akong ikulong?!
Death Afro: Hindi ka naming ikukulong (ubo) Papatayin ka namin…
Mama Jam: (gasp)
Boses: Papatayin? Sino ang nag-utos?
Death Afro: Si Boy Paa… (ubo) Binayaran nya kami ng malaking halaga para iframe-up siya…
Mama Jam: SI BOY PAA?! Hindi ko akalaing magagawa niya ito! Sumosobra na siya!
Boses: Bakit? Sino ba yung Boy Paa na yan?
Mama Jam: Matagal ko ng kilala si Boy Paa… Siya ang numero unong kakumpitensya ko sa Parlor business… Napansin ko nga na maraming Beauty Parlor ang biglang nagsisisara o kaya’y biglang hinuhuli dahil may benta silang illegal na foot powder… Siya rin ba ang may kagagawan nun?
Death Afro: (ubo) Siya nga…
Boses: Kailangang mapigilan kaagad si Boy Paa… Kung hinde, mamomonopolize nya ang buong parlor business…
Mama Jam: Ang sama naman ni Boy Paa… Syanga pala, ako si Mama Jam, ikaw pogi? Anong pangalan mo?
Death Afro: Ako si Death Afro…
Mama Jam: Hindi ikaw ang kausap ko!
Boses: Ahhh… ako nga pala si Rei…. (o ayan may pangalan na siya)
Mama Jam: Sama ka na sa akin dun sa parlor ko, gagamutin natin yang mga sugat mo
Rei: Ah ito? Wala to, gasgas lang yan…
Mama Jam: Uhmmm…. Hindi ka ba nagugutom? Wag kang mag-alala hindi kita type kaya hindi kita tsatsansingan… (sabay kindat)
Rei: (eeewww) Well… kungsabagay, nagugutom na nga ako… Sama na rin natin tong si…

Hindi na gumagalaw si Death Afro…

Mama Jam: Hayaan mo na yang mabulok diyan… Baka maghasik lang ng lagim yan dun…
Rei: Sabi mo e…

At iniwan na nga nila Rei at Mama Jam si Death Afro…



to be continued

posted by:
zuluwashere

Saturday, October 10, 2009

TAGA TUGUEGARAO KA KUNG... (PART 2)

-Nag-internet ka na sa Philworld
-Naabutan mo yung paghahasik ng lagim ni Mad Killer (tinago mo pa nga mga tsinelas mo baka kasi isuot niya e mahypnotize ka)
-Alam mo ang number sa gitna ng dalawang numerong ito: 6 _ 9
-Bad trip ka pag ubos na pansit mo pero wala pa yung kaldo mo
-Hindi mo memorize mga street ng Tuguegarao pero memorize mo kung saan ang mga establishments
-Dangwa tawag mo dun sa kabila ng Mang Domengs kahit wala na yung Dangwa dun
-Nagpabunot ka na ng ngipin kay Dr. Uy
-Umorder ka na ng footlong sa Smokey's
-Naghalo-halo ka na sa Celia's
-Nag-long distance ka na sa PT&T
-Naglaro ka na ng arcade sa Fun Corporation at sa Stardust
-Nabalitaan mo yung wakwak na lumilipad daw dun sa dorm malapit sa St.Paul
-nasubukan mo nang mastranded dahil wala kang maparang tricy, yun pala, may meeting ang mga tricycle drivers pero hindi mo ito alam
-Nung uso pa ang jueteng e lagi mong pinagmamasdan si Anchung (R.I.P.) baka kasi magbigyan ka ng clue kung ano ang lalabas
-May kilala kang "Ifan" ang pangalan
-Nagpahula ka na kay Kako
-Nanood ka na ng mga naglalaro ng kara sa harap ng United autoparts
-pag nasa Manila ka, pinapansin mo ang lahat ng mga nakakasalubong mong taga-tuguegarao kahit hindi mo sila pinapansin pag nasa tuguegarao ka
-sumakay ka na sa Pantranco, Inland at Lawin Tours
-nag-swimming ka na sa Oasis
-Nag-CR ka na sa taas ng plaza (dos pag tae, piso pag ihi)
-sanay ka ng makakita ng tae ng kabayo sa kalsada
-natalsikan ka na ng ihi ng kabayo
-nag-aral ka ng karate sa CSU
-nag-register at naki-sali ka na sa chat room ng RBC (by the way, "bootillug" ang nick ko doon)
-nagpahilot ka na kay Berto dun sa may Atulayan o kaya kay Doro dun sa may Buntun
-pumunta ka na sa riverside para magpa-sandok dahil nakagat ka ng aso
-may nagsabi na sa iyo na agal daw ng pusa ang nilalagay nila sa Tuddao's
-nacurious ka at nanood ka na rin ng "Biag ti Mannalon" sa RBC channel
-bad trip ka sa TV Patrol Cagayan Valley dahil pinapalitan nila ang Naruto.
-nagbilliards ka na sa LM
-mabubuhay ka na sa isang araw kahit 100php lang ang pera mo
-bumili ka na ng pulutan sa Bartolome at sinabi mong "kambing" yun.
-binisita mo na yung ahas dun sa Tuguegarao lumber
-marlboro gold ang tawag mo sa marlboro lights


posted by:
zuluwashere

Friday, October 9, 2009

COMMON TRIKE DRIVER REPLIES

Situation, nasa isang lugar ako tapos pumara ako ng tricy...

Me:
"Tricy!"

Tumigil ang tricy sa harap ko:

Me:
"Nung ta kwan lang...."
(Kuya sa may ano lang...)

Random Tricycle Driver:
"Doblem la so ngana..."
(Mag double pay ka na lang)

"I-capacity mu la ngana"
(Bayaran mo na lahat ng bakante)

"Piga kamu?"
(Ilan kayo?)

"Tadday ka lang?"
(Mag-isa ka lang?)

"Ararayyu!"
(Malayo!)

"Highway?"

"Afu awan!"
(Naku Hinde!)

"(snob kasi mag-isa mo lang at dahil na rin nakakita siya ng isang grupo na nag-aantay din ng tricy)"

"Ammungammu la ta singko ngana..."
(Dagdagan mo na lang ng limang piso)

"Ay... egga gare sunduk..."
(Ay... May susunduin pa kasi ako...)

"Plaza lang!"

"Ta kanto ka la so ngana"
(Sa kanto ka na lang)

"Pagammu pattolik ngam"
(Bayaran mo pati pagbalik ko)

"Katsawin... Itulnuk ku lang yaw..."
(Halika na... Ihatid ko lang ito...)

"Kuman nak labbi..."
(Kain lang ako)



Nakakatawa naman... Dati ko nang alam ang mga isasagot nila...
Ito ay mga reply ng karamihan na tricy driver lamang, di naman lahat ng tricy driver e bastos at walang modo. Meron pa rin naman diyan yung nagsusumikap at nabubuhay ng marangal pero iilan lang sila.


posted by:
zuluwashere

GWAPOMAN (CHAPTER 6 - SPECIAL CHAPTER)

Chapter 6 (The Fallen Gladiator – SPECIAL CHAPTER)

“Patayin na yan!!!” sigaw ng isang mama.
“Wag kang maawa diyan, pahirapan mo muna!” sigaw naman ng isa.

Sa loob ng isang malaking arena, naghihiyawan ang mga manonood. Natutuwa dahil meron na namang isang gladiatorial match sa kanilang lugar. Bihira lang kasing magkaroon ng main event na one-sided ang laban. Pag mas dominante ang isang gladiator, mas matutuwa ang mga manonood.

Sa gitna ng ring, nakaluhod ang isang gladiator, sugatan at nanginginig sa takot. Nagmamakaawa dun sa nakalabang gladiator na kanina’y minumura nya sa yabang.
“Maawa ka sa akin… May pamilya ako…” sabi nung nakaluhod na gladiator.
Itinaas ng nakatayong gladiator ang kanyang sandata at walang awang “iwinasiwas” ito dun sa nakaluhod na gladiator.

Nagkalat ang dugo sa paligid… Patay ang nakaluhod na gladiator…

“At ang nanalo… Si Death Afro!” sabi nung announcer.
Tumalikod si Death Afro… Inayos ang kanyang kumikintab na buhok, bumaba ng ring at dumiretso sa kanyang private quarter.

Sa loob ng quarter ay sinalubong siya ng isang maliit na tao.
“Hetong bayad sa laban kanina… Mamaya mo na makukuha ang bonus mo galing sa pay-per-view at sa mga shampoo commercials…” sabi nung maliit na tao.

Kinuha ni Death Afro yung pera…

Maliit na tao: O bat ang lungkot ng mukha mo?
Death Afro: Yung buhok ko…
Maliit na tao: Bakit? Ayos naman ah… Ang kintab nga oh… (nagsuot ng shades)
Death Afro: Hinde… Nagalaw kanina… tingnan mo (sabay harap sa salamin)… Nagkulang ng isang hibla… Hindi na pantay!!! Paano ako haharap sa aking mga makakalaban pag ganito ang itsura ko?
Maliit na tao: Huminahon ka… Yan lang pala e… May kilala akong pwedeng mag-ayos niyan… Teka lang tatawagin ko lang yung barbero sa kanto (kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang magdial ng number…)
Death Afro: Hinde… Hindi mo ako naiintindihan! (kinuwelyuhan at binuhat pataas yung lamiit na tao) Hindi ordinaryong barbero ang kailangan ko! Magic lang ang makakapagayos nito!!!!
Maliit na tao: Relax! Relax ka lang! May solusyon diyan!

Binitawan ni Death Afro yung maliit na tao…

Death Afro: Anong solusyon mo?
Maliit na tao: May kilala akong magaling na scientist.
Death Afro: At sino naman yun?!
Maliit na tao: Wag kang mag-alala, katropa ko yun, lahat ng problema mo tungkol sa buhok, kaya nyang solusyonan…
Death Afro: Ganun ba? Asan siya? Gusto ko siyang makausap! Ngayon din!
Maliit na tao: Ah… Yun ba? Napaguusapan yan… Hehehe…
Death Afro: Grrrrr…. Magkano?
Maliit na tao: Yang perang hawak mo… Hehehe…

Inabot ni Death Afro ang pera pabalik sa maliit na tao…

Death Afro: O ngayon? Sabihin mo na sa akin kung san ko siya mahahanap?
Maliit na tao: Bat kaw pa ang maghahanap? Ako na pupunta. Bonus service ko na yan sayo as your manager… Hehehe…
Death Afro: Siguraduhin mo lang na maaayos nya to…
Maliit na tao: Sure! Sure! Ano ba ipapagawa mo diyan sa buhok mo?
Death Afro: Gusto kong pumantay ang kanyang haba at gusto ko rin na magkabody ang hair ko!
Maliit na tao: Yun lang? Madali lang yan. Bigyan mo lang siguro ako ng mga tatlong araw at tiyak, solb na yang problema mo…
Death Afro: Siguraduhin mo lang… Kung hinde… Matitikman mo ang lupit ni Death Afro… Naiintindihan mo?!!!
Maliit na tao: (lunok) Oo… Oo… S-s-si- sige alis na ako…
Death Afro: Hehehe…

Pagkalipas ng tatlong araw…

Maliit na tao: Death Afro! Hehehe… O eto na yung solusyon sa problema mo… (sabay abot sa kanya ng isang botelya na may lamang gamot)
Death Afro: Anong gagawin ko rito?
Malit na tao: Siyempre inumin mo lang yan ng…

Ininom kaagad ni Death Afro yung gamot…

Death Afro: O ngayon? Sigurado ka bang magkakabody ang hair ko dito?
Maliit na tao: Ha? A…e… Oo…

Biglang nakaramdam ng kakaiba si Death Afro…
Death Afro: Anong nangyayari sa akin?
Maliit na tao: E-ewan ko… A-a-alis na ako…
Death Afro: Walang aalis!!!
Maliit na tao: (napalunok)

Biglang umayos ang buhok ni Death Afro…

Death Afro: Aba! Totoo nga! Nagkabody nga ang hair ko!
Maliit na tao: Hehehe… Sabi ko na sayo e…
Death Afro: Teka bat biglang kumakati ang buong katawan ko?
Maliit na tao: Side effect lang yan… Mawawala din yan mamaya…
Death Afro: Hinde! Ang kati! Di ko na kaya! Aaaaaahhhhhh!!!!

Natumba si Death Afro… Nagpagulong gulong siya sa kanyang kinalalagyan… Kinakamot ang buong katawan…

Death Afro: Ano to? Di tumitigil ang kati? (kamot) A-anong nangyayari sa akin?! Sabihin mo?!

Unti-unting umaatras yung maliit na tao… Kinakabahan…

Death Afro: Anong nangyayari sa akin?! Tong mga kamay ko?! Tinutubuan ng buhok! (sabay tingin sa salamin)

Napasigaw ng malakas si Death Afro…

Death Afro: Ano tong pinagawa mo?! Tarantado ka!
Maliit na tao: Ha? (lunok)
Death Afro: Bakit nagka-hair ang body ko?!

Galit na galit si Death Afro, habang tumitindi ang kanyang galit, lalong humahaba ang kanyang buhok…

Maliit na tao: Teka teka! Labas muna ako! Natatabunan ako ng iyong buhok! Hoy! Hindi ako makahinga! (gasp)

Kinabukasan, nakita ng mga awtoridad ang walang buhay na “maliit na tao” at sa di-kalayuan ay si Death Afro na shocked pa rin sa nangyari sa kanya…

Habang isinasakay si Death Afro sa mobile, may isang malaking tao ang nakatayo sa gilid na nagmamasid

Malaking tao: (mukhang pumalpak ang aking eksperimento… Di bale…)

Nahatulan si Death Afro ng kamatayan. Itinapon siya sa BAKALTRAZ, ang pinakamalupit na kulungan sa lugar nila, upang dun na antayin ang kanyang death date.

Araw ng kanyang bitay, habang nakaupo si Death Afro sa kanyang higaan, may isang malaking anino ang lumapit sa kanya…

Death Afro: Anong tinitingin-tingin mo diyan?!
Malaking tao: Balita ko, ngayon na raw ang araw ng iyong bitay…
Death Afro: So? Tignan mo ang mga ito… Ang dami kong alagang kuto o… Nakakatuwa sila, gusting-gusto nila tong buhok ko…
Malaking tao: Hindi mo na makikita ang mga yan… Bibitayin ka na e…
Death Afro: Ano?! Hindi maari! Iligtas mo ang mga alaga ko!
Malaking tao: Hindi lang mga alaga mo ang maililigtas ko… Pati na rin ikaw…
Death Afro: Ha? Paano?
Malaking tao: Gusto mo bang magtrabaho bilang isang Royal Guard ni Haring Ra?


END OF SPECIAL CHAPTER



posted by:
zuluwashere

Tuesday, October 6, 2009

GWAPOMAN (CHAPTER 5)

Chapter 5 (Eternal)

Ang nakaraan: Tuloy pa rin ang laban ni Death Afro at ni “boses” ngunit sa huli, nagpalabas si Death Afro ng kanyang secret weapon.


Mama Jam: (Shocked kaya wala siyang sasabihin dito…)

Death Afro: Hahaha! Yan ang nababagay sa isang pakialamero! (tinignan si Mama Jam) Ikaw…

Mama Jam: Ako?! Crush mo ako? Excuse me! Di ko type ang maraming kuto noh?!

Death Afro: Hinde! Ikaw ang isusunod ko! Hahaha!!! POWER KUTO!!!


“Itigil mo na yan…”


Death Afro: Huh? (napalingon) Ikaw?


Tumayo si “boses” habang unti-unting nagsisihulog ang mga kuto sa kanyang mga katawan…


Death Afro: Buhay ka?! Papaanong?

Boses: Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo kung papaano?

Death Afro: Grrrrr…. Tingnan lang natin kung kaya mo itong combo ko… Ito na ang pinakamalakas kong atake… Humanda ka…


Kumuha si Death Afro ng isang malaking kuto sa kanyang buhok, tiniris at ininom ang dugo nito…


Mama Jam: Kadiri!


Biglang nangisay si Death Afro nang biglang…


Mama Jam: Huh?! Nagpapalit ang kanyang anyo!


Habang nagtratransform si Death Afro ay nagsalita ito…


Death Afro: Arrgggkkkk… You leave me no choice but to do this… Arrggggkkkk….

Mama Jam: Aba! Nag-Ingles!

Death Afro: Only a few survived this…


Nakumpleto ang transformation ni Death Afro. Nagmukha siyang isang…


Mama Jam: Aaaarrggghhhh!! Ampanget mo!!!! Nagmukha kang…

Boses: Kahindik-hidik!!!! Mukha kang….

Death Afro: Ano?! Ano ang aking kamukha?!


Ayaw man aminin ni Mama Jam at ni “boses” pero nagmukhang kuto na Afro si Death Afro. Ayaw nilang sabihin kasi baka ma-offend siya…


Death Afro: Di bale! Ito ang aking superweapon! Ang tawag ko rito ay DEATH BY KUTO!

Boses: Nagpakita rin ang tunay mong anyo…

Mama Jam: Dali! Tumakas na tayo!

Boses: Hindi ako umaatras… Ngayon, pahintulutan mo akong ipakita ang aking tunay na lakas…

Itinaas ni “boses” ang kanyang sandata…

Boses: ETERNAL BEAUTY!!!


Nagtransform din ang sandata ni “boses”…


Mama Jam: Ang ganda ng kanyang sandata!

Death Afro: Hindi ako natatakot diyan!!! (inatake si “boses”)


Umatake na rin si “boses”…. Sinalubong si Death Afro…


LUMIWANAG ang paligid…





to be continued





posted by:

zuluwashere

Sunday, October 4, 2009

NA-FEEL KO ANG PEPENG...

So dumating si Pareng Pepeng... Anong ginawa nyo? Matulog maghapon? Magsend ng prayers? Magtext? Magayos ng bubong? Uminom ng alak? Ako? Madami! Eto ililista ko...


  1. Bago pa man dumating yung bagyo, dati ko nang chinarge ang aking CP, laptop at Ipod para di ako mabored...

  2. Dati na akong naglagay ng mga draft dito sa blog na ito para sa susunod e ipopost ko na lang...

  3. Umaga na nung nagbrownout dito sa amin... Papaandarin na sana yung generator nang madiskubre naming wala pala itong gasolina... Badtrip...

  4. Gumawa ako ng to-do list para may magawa ako...

  5. Nanood ako ng episodes ng Vampire Knight sa laptop pero nagsawa din ako after 4 episodes...

  6. Binuklat ko yung librong "Stone Alone" ni Bill Wyman... Binasa ko kasi di ko pa ito natatapos. Balak ko siyang tapusin pero nagsawa ulit ako after 10 pages...

  7. Habang nagbabasa ako nung libro, nag-abang ako ng Pepeng jokes at sigurado akong may magsesend nun...

  8. May nagsend nga!

  9. So napagtripan ko ring magtext sa aking friends... Nag-GM ako, sabi ko: "Binabagyo tayo ng aking kagwapuhan! Feel nyo ba?"

  10. May mga nagreply naman... Sabi nga ng isa e: "F*** You!!!"

  11. Nung nagsawa na ako sa katetext, inikot ko ang aming bahay... Pumunta ako sa mga lugar o pwesto na di ko gaanong pinupuntahan (humarap ako sa ding ding, humiga ako sa ilalim ng kama, pumasok ako sa loob ng aparador, etc...)

  12. Biglang nagtext si Mario, nagyayaya ng pansit, sabi niya nasa Plaza daw siya at maglilibre raw... Nagreply ako, sabi ko: "Sino ba naman ang tanga na lalabas sa ganitong uri ng panahon?" Tapos sinend ko sa kanya yung number ng 24hour rescue hotline...

  13. Hindi na nagreply si Mario, siguro tinangay na siya ng bagyo.... So, after that, kinuha ko yung ipod at nakinig ng beethoven... Ternong-terno sa panahon!!! So nagimagine ako na kunware isa akong conductor at pinapasayaw ko yung mga puno...

  14. After 20 minutes, nagsawa ako... Parang gusto kong maligo... So ginawa ko, lumabas ako ng bahay, then naligo ako sa ulan... Nagemo-emo ako dun... (syempre sa likod ako para walang makakita)

  15. Tapos habang nasa ilalim ng malakas na ulan, nagtanggal na rin ako ng mga bara sa drainage para hindi halata na para akong batang naliligo sa ulan

  16. Gusto kong magpapicture na background ko yung bagyo pero di ko na tinuloy kasi pagtatawanan nyo lang ako

  17. Pagkatapos maligo, nagshower ako, then humiga ako sa floor... (malamig kasi yung marmol, sarap humiga)

  18. Napagtripan ko ulit magtext, nagsend ako ng "tol!" sa mga friends ko...

  19. Nung may nagreply, tinuloy ko yung text ko: "Tol the girls I loved before... Who travelled in and out my door... I 'm glad they came along, I dedicate this song... Tol the girls I loved before..."

  20. Nung nasend ko na yung message, naisip ko na corny pala yun kaya di na ako magsesend ng ganun

  21. Buti na lang di ko naisip na magmiskol miskol dahil kung sakale maraming mababadtrip sa akin...

  22. Naalala ko, bispera pala ng pista namin kaya nung may nagtanong kjung naghanda kame sabi ko: "Nabaju yung handa namen!"
  23. At ang pinakamatindi sa lahat ng aking ginawa: Nagalay ako ng longganisa para matigil na ang Pepeng Malaki!!!
  24. Madami pakong ginawa

posted by:

zuluwashere

GWAPOMAN (CHAPTER 4)

Chapter 4 (Lice, lies)

Ang nakaraan: Nagsimula na ang laban ni Royal Guard1 at ni “boses”. Tinanggal ni Royal Guard1 ang kanyang armor at nagpakilalang siya si Death Afro, isang dating gladiator na kinatatakutan ng marami.

Mama Jam: (SO, siya na pala si Death Afro… Isa sa mga gladiators na may kayang kontrolin ang kanilang buhok.)
Boses: Death Afro… Hindi ako natatakot sa iyo…
Death Afro: Kung gayon, labanan mo ako! Etong sayo! HAIRMEtAL CHOPPER! (nagpalit ng anyo ang kanyang buhok at naging parang mahahabang espada at sinugod si “boses”)

Nagpailag-ilag si “boses” at nasasangga naman nya ang halos lahat ng atake ni Death Afro…

Boses: (Paano ko kaya tatalunin ito? Hindi ako makalapit sa kanya…)
Death Afro: Anong tinatanga-tanga mo diyan?! Lumaban ka! HAIRMEtAL CHOPPER! (inatake ulit ng kanyang mga buhok si “boses”)
Boses: Hups! (umilag)
Death Afro: (biglang nasa likod ni “boses”)
Boses: Paanong?!
Death Afro: Patay ka ngayon! HAIRMEtAL RIPPER! (nagmukhang mas astig yung mga buhok ni Death Afro at inatake si “boses”)

Tumalon ng napakataas si “boses”… Tapos lumanding siya sa isang branch ng mataas na puno…Nagtransform yung mga buhok ni Death Afro na parang galamay ng isang octopus at pilit abutin si “boses”

Death Afro: Bumaba ka diyan bading!
Mama Jam: Nasa baba na ako!
Death Afro: Huwag kang sabat ng sabat diyan! Hindi ikaw ang kausap ko!
Mama Jam: Sorry na sorry na…
Boses: Good game na ito Death Afro… Alam ko na ang kahinaan mo…
Death Afro: Huh?
Boses: Wag ka nang magmaangmaangan pa diyan… Alam ko… May limit ang haba ng buhok mo kaya kung ditto lang ako sa taas e hindi mo ako maabot…
Death Afro: Hehehe… Magaling… Pero sa tingin mo ba, hindi ko napaghandaan ang mga ganyang klaseng strategy?
Boses: Huh?
Death Afro: (ngumisi) POWER KUTO!!! (nagsilabasan ang ecosystem ng mga kuto mula sa ibat-ibang parte ng katawan ni Death Afro na may buhok…)
Boses: Mga kuto?!
Death Afro: Kilalanin nyo ang aking mga alagang kuto… Matagal na silang naninirahan sa aking katawan at sila ang tumutulong sa akin sa tuwing nagigipit na ako sa aking mga laban. At bilang kapalit, pinapasipsip ko sa kanila ang aking dugo…
Mama Jam: Kadiri!
Death Afro: Mga alaga, ubusin nyo ang dugo nung taong nasa taas ng puno!!! (lumipad ang kanyang mga kuto papunta kay “boses”)
Boses: Syet!

Tumalon talon palipat lipat ng puno si boses upang maiwasan ang humahabol na kuto sa kanya pero di nya napansin na meron pa palang isang swarm ng kuto na sumasalubong sa kanya…

Boses: Ha?
Death Afro: Huli na ang lahat!

Natakpan ng kuto ang buong katawan ni “boses” at unti-unting sinipsip ang kanyang dugo…

Death Afro: HAHAHA!!! Ubusin ang kanyang dugo!!!


itutuloy

posted by:
zuluwashere

Thursday, October 1, 2009

MAHABA

Isang araw...

Zulu: Mario! Halika rito, may ipapakita lang ako...
Mario: Ano yan?
Zulu: (Pinakita)
Mario: Put******! Ang haba naman Zul?!
Zulu: Kala mo maiksi no? Pero mahaba talaga yan pag titigan mong mabuti...
Mario: (tinitigan ng mabuti) Mahaba nga talaga tol...
Zulu: Kilala mo ba si Jay Panti?
Mario: Narinig ko na name nun... bakit?
Zulu: Mahaba rin yun!
Mario: Oh? E yung kay Bob Ong?
Zulu: Mahaba rin yun.. kala mo rin lang kung maiksi...
Mario: Paano mo nalaman?
Zulu: Syempre, nakita ko... tanga ka ba?
Mario: Bakit? Sinilip mo?
Zulu: Pinapakita niya... e di sinilip ko...
Mario: E anong nangyari?
Zulu: Yun binayaran ko para matitigan ko ng matagal at masuri ko ng mabuti...
Mario: Binayaran mo?!

biglang dumating si Alvin...

Alvin: Hoy! Ano ba yang pinaguusapan nyo?
Zulu: Pinapakita ko lang ito... (pinakita)
Alvin: Ay, yan? May ganyan din ako, mahaba rin...
Mario: Ha?! Mahaba rin?
Alvin: Hirap nga akong pahabain yung sa akin e...
Mario: Yung sa akin kaya? Mapapahaba ko pa ba?
Zulu: Depende yan sayo... Kung talagang magpupursigi kang pahabain, e talagang hahaba yan...
Mario: Sana nga... So, Anong balak mong gawin diyan?
Zulu: Matagal ko nang balak ipakita to e.. Kaya ipapakita ko rin...
Mario: Ipapakita mo rin?!
Zulu: Oo naman...
Alvin: Saan mo balak ipakita pre?
Zulu: Pwede na siguro sa internet para madaming makakita...
Mario: Sa internet?!
Zulu: Oo, madaming matutuwa run... Malay mo may makadiscover sa akin... Babayaran din ako...
Alvin: Iba na talaga ang panahon ngayon... Dati sa mga magazine, libro at komiks ka lang makakakita ng ganyan...
Zulu: Kaya nga tol e... Sige mga dude, alis na muna ako.... Papahabain ko pa to ng konti then ipapakita ko na mamaya...
Mario/Alvin: Sige tol! Ingat!

At doon nagsimula ang PAG-POST ni Zulu ng kanyang mga mahahabang BLOGS...

posted by
zuluwashere

Tuesday, September 29, 2009

GWAPOMAN (CHAPTER 3)

CHAPTER 3 (Hokbu)

Nakaraan: Dinala ng mga Royal Guards si Mama Jam sa gitna ng kagubatan upang patayin ngunit nabigo sila dahil may pakialamero este may taong dumating.

Royal Guard1: Hoy saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!
Royal Guard2: Ikaw na lang muna bossing! Natatae ako! Sige ingat!
Mama Jam: (Pabulong sa sarili) Ang kanyang espada… Napakahiwaga… Teka… parang nakita ko na yan a…
Boses: Mukhang tayong dalawa ang maghaharap… Handa ka na ba sa akin?
Royal Guard1: Kung ano mang espada yan, hinid ako natatakot diyan. Malakas kang nilalang… Karapatdapat mong kalabanin ang isang katulad ko…

Pumorma si “Boses”…

Royal Guard1: Ipapakita ko sa iyo ang tunay kong lakas! (Tinanggal ang kanyang breastplate)
Mama Jam: (Ambaho niya…)
Royal Guard1: Maniwala ka sa akin, hindi ako isang ordinaryong tao…
Mama Jam: (Sinabi mo pa…)
Royal Guard1: Isa akong kinatatakutang Gladiator na kumitil na sa buhay ng mahigit isang daang tae este tao… Pinapatay ko sila dahil ampapangit nila… (tinanggal ang kanyang gloves) Wala silang karapatang mabuhay dito sa mundo! (Tinanggal ang kanyang brief)

Napaluha si Mama Jam sa nakita…

Boses: Sigurado ka na ba diyan sa ginagawa mo? Masasaktan ka lang lalo!
Royal Guard1: Ito ba kamo? Tinatanggal ko lang naman kasi sagabal lamang ang mga ito. Isinusot ko lamang ang mga ito para mabawasan mga taong aking nasasaktan… Ang mga ito ay hindi para protektahan ako kundi protektahan kayo mula sa akin… (tinanggal ang helmet)
Boses: Ang iyong katawan… Nababalutan ng marami at makapal na…. Buhok?!
Mama Jam: Kaya nga e! Lugi ako! Di ko makita ang kanyang… it’s so unfair!!! Huhuhu!
Royal Guard1: Tignan nyo tong mabuti… (pinagalaw ang kanyang mga buhok) Napapagalaw ko ang mga ito ng parang isang extra na mga kamay…
Boses: Masubukan nga! Yaaaaahhhh! (umatake)
Royal Guard1: Hehehe… Yan ang gusto ko… Tikman mo to! HAIR METAL!!! (gumalaw ang kanyang mga buhok at naging parang tusok tusok, yung parang porcupine nge…)

Napaatras si “boses”… Napatigil sa pagatake…

Royal Guard1: O?! Bat umatras ka?! Hahaha!!! Ang bawat tusok na nakikita mo ngayon ay singtigas ng bakal!!! Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko… Ako si Death Afro!



TO BE CONTINUED





posted by:
zuluwashere

Monday, September 28, 2009

THE IMMUNE SYSTEM

Back when I was still taking up nursing, our instructor in Microbiology required us to make a report about the Immune system. Yeah right. Like I care. However, when I noticed my classmates report using Powerpoint, an idea suddenly popped out from my mind telling me to report something unique and interesting. So what I did was, call some friends and made this stupid video.








Stupid isnt it?



posted by
zuluwashere

GWAPOMAN (CHAPTER2)

Chapter 2 (PANGIT)


Ang nakaraan: Basahin mo na lang yung Chapter 1. Haba e.

Sa kalagitnaan ng gubat, habang naglalakad yung tatlong Royal Guard at si Mama Jam,

Mama Jam: Saan niyo ako dadalhin?! Kanina pa tayo naglalakad ah! Saka, wala ba kayong wheels?
Royal Guard2: Ang dami mong arte! Bilisan mo nga sa paglakad! Nadedelay na kami sayo e! Tignan mo, gumagabi na!
Mama Jam: Tanga ka ba?! Kita mo na ngang nakakadena tong paa ko e! Paano ako makakalakad ng mabilis nyan?! Kung gusto mo, buhatin mo na lang ako para mayakap kita!
Royal Guard2: Subukan mo lang na magpabuhat sa akin at matitikman mo tong lupit ng aking espada!
Mama Jam: Ay! Espada! Gusto ko yan!
Royal Guard2: Talagang inuubos mo ang pasensya ko ha! (sabay tulak kay Mama Jam)

Natumba si Mama Jam.

Mama Jam: Mga walanghiya kayo! Pagkatapos nyo akong iframe up, ginaganyan nyo na lang ako?! Mga panget!
Royal Guard3: Tinatawag mo ba kaming mga panget?! Ha?! Bawiin mo yang sinabi mo kung hinde, tutuluyan na kita!
Mama Jam: Akala mo matatakot ako sayo?! Panget!... Panget panget panget panget!!!!!
Royal Guard3: Aaaarrgghhh!!!! (sabay sipa sa tiyan ni Mama Jam) Katapusan mo na!!!!
Royal Guard1: Tumigil kayo!
Mama Jam: Panget!
Royal Guard1: (Itinayo si Mama Jam) At ikaw naman matandang bruha, tumahimik ka diyan kung ayaw mong ako mismo ang lalagot sa iyo!
Mama Jam: Ibalik nyo na ako sa Garlalu! Ayokong sumama sa inyo! Ampapanget nyo! (sabay dura sa mukha ni Royal Guard1)
Royal Guard1: Ikaw ang panget!!!

Nagalit si Royal Guard1 sa pagkakadura ni Mama Jam sa kanya. Nilabas niya ang kanyang espada at akma na sanang patayin si Mama Jam nang biglang may isang boses na nagsalita.

Boses: Sadyang di nyo alam ang ibig sabihin ng kagandahan…
Royal Guard1: Huh? Sino ka? Magpakita ka!
Boses: (tuloy pa rin sa pagsasalita) Hindi nyo ba alam na ang kagandahan ay isang pangako ng kasiyahan?!
Royal Guard1: Magpakita ka sabi eh?!
Boses: Pssstttt…. Andito lang ako sa taas ng puno ng bayabas. (sabay baba)
Royal Guard1: Nangingialam ka ba?! Hindi mo rin ba alam na kami ang mga Royal Guards ni Haring Rah!
Boses: Wala akong pakialam dun. Lalo na sa mga katulad niyong bobo. Hindi nyo ba alam na ang kagandahan ay nakikita sa kalooblooban ng isang tao?!
Royal Guard3: Ang dami mong satsat! Anong gusto mo?! Isang magandang atay?! Pakialamero! Etong sa iyo! (nilabas ang kanyang espada at inatake ang taong nagsasalita)

Sa isang matubig na galaw (in one fluid motion), nailabas ng “boses” ang kanyang espada , nabloke ang atake at nasaksak niya si Royal Guard3.

Boses: Hindi mo ako kaya…

Tumba si Royal Guard3.

Royal Guard2: (Nagulat) Ang espadang yan! Wag mong sabihing yan yung… (natorpe at biglang napatakbo palayo si Royal Guard 2.)


TO BE CONTINUED


posted by
zuluwashere

Sunday, September 27, 2009

GWAPOMAN formerly known as METROMAN (CHAPTER 1)

Chapter 1 (KABUTIHAN)

And they lived happily ever after. Yan ang karaniwang ending ng mga nababasa nating kwento pero dito ko siya nilagay sa simula. Uumpisahan natin itong kwento sa isang napakalayong lugar, (as in malayo talaga, di ko nga alam kung saan e) na napakaraming nakatirang pangit. Super dami ang panget kaya if ever na beautician ka, malaki ang kikitain mo dito. Ang lugar na ito, na tatawagin na lang nating Garlalu ay may isang nakatirang nilalang na papangalanin nating Mama Jam. Namumuhay siya bilang isang bakla at meron siyang isang bonggang parlor. Masaya siya sa kanyang trabaho at mga extra churva na ginagawa nya roon. Subalit isang araw, may dumating na kakaibang bisita…

Royal Guard1: (katok) May tao ba rito?!
Mama Jam: (binuksan ang pinto) Tao wala, pero Diyosa meron! Anong problema? Magpapamanicure ka ba?
Royal Guard1: Hinde magpapatuli kame! Dyok lang! Ang totoo, may nakalap kaming impormasyon na nagbebenta ka raw ng pekeng cosmetics!
Mama Jam: Peke?! Aba aba aba! Wag nyo nga akong pinagbibintangan ng ganyan! Peke akong babae pero hindi ako nagbebenta ng peke!
Royal Guard1: Kung gayon, papasukin mo kame at nang mahalughog naming ang iyong parlor! (sabay tulak kay Mama Jam) Mga bata! Gawin nyo na ang dapat nyong gawin!
Royal Guard3: Yung ano ser? Yung magpatuli?
Royal Guard1: Bobo! Halughugin nyo ang parlor!

(Hinalughog ang buong parlor)

Mama Jam: Hoy hoy hoy teka! Ano ba kayo! Wala ba kayong galang at basta basta na lang kayong pumapasok dito? Atsaka (inamoy ang isang gwardya) ambabaho nyo! O ingatan nyo yang vase ko!

(lumapit ang isang Royal Guard)

Royal Guard2: Bossing! May nakita ako… (pinakita) isang pekeng foot powder!!!!
Mama Jam: Ano?! Imposible yan!
Royal Guard1: O ano ka ngayon?! Paano mo maipapaliwanag ang mga ito?! Ha?! Mama Jam: Hindeeeee!!!!! Planted ang ebidensya! Imposible yan!
Royal Guard1: Nagpapalusot ka pa! Mga bata, dalhin nyo na to, isara nyo na rin itong parlor!
Mama Jam: Subukan nyo! Dadakmain ko yang…
Royal Guard2: Huwag ka nang pumalag! (pinosasan kaagad ang mga kamay ni Mama Jam)

Wala nang nagawa pa si Mama Jam. Napilitan na lang siyang isuko ang kanyang sarili at nagbakasakaling maipapaliwanang na lang nya ang mga pangyayari sa harap ng husgado.

Habang nilalayo si Mama Jam at isinasara ang parlor, may isang anino na may kumikinang na paa ang patagong lumapit kay Royal Guard2…

Anino with shining foot: Ayos yang ginawa nyo ah… (sabay ngisi)
Royal Guard2: Uy ikaw pala! Hehehe. Oo naman gagandahan namin ang trabaho basta para sa kabutihan. … Syanga pala, dinala mo ba yung “kabutihan”?
Anino with shining foot: Korni mo talaga… Hehehe… Oo naman, dala ko… (sabay abot ng isang supot) Eto, apat na kilong gintong kabute… Bonus pa lang yan ha… Ibili mo ng babae, pagkain, alak at sasakyan…
Royal Guard2: (kinuha) Maganda to! Siguradong walang sabit to! Hehehe…
Anino with shining foot: Siguraduhin mo lang na hindi ako sasabit diyan…
Royal Guard2: Magtiwala ka sa akin, malinis ang pagkakagawa nito… Malakas tayo…
Anino with shining foot: Mabuti naman kung ganun…
Royal Guard2: o sige maiwan ka na muna dyan at marami pa kaming dapat gawin… Babush!

Nagpaalam at sumibat na ang guwardiya. Naiwan yung anino na nakangising nagmumuni-muni sa harap ng parlor ni Mama Jam…

Anino with shining foot: (Ngayong wala na tong parlor ni Mama Jam, ako, si Boy Paa, ang magiging pinakamayamang bakla sa buong mundo! Bwahaahahaha!!!)



TO BE CONTINUED...





posted by
zuluwashere

Friday, September 25, 2009

MABAW

TATANG: Anak, mallutu ka kang mabaw ta mangan teran!

Ifan: Tatang, awan baggat tera nga italladku!

TATANG: Dambelka! Gilammuammu mallutu kang mabaw nga awan baggat, makuam yan!

Ifan: On ko tatang. (balin nallutu) Mangan teran, inarawkun.

TATANG: (atubang panganan) kaam ta awan mabaw ko alung?

Ifan: Gilammumam mu mangan nga awan mabaw

TATANG: Okinam nga abbing! Mamegafu sangaw marinak nga akkulan nga ama mun ha! Pallak ka!

Ifan: on FRIEND!



(ewan ko kung sino gumawa nito pero galing to kay Sir Bik....

natawa ako sa kakornihan)






posted by:
zuluwashere

Thursday, September 17, 2009

HOW TO SPEND YOUR 100PHP GALLANTLY

Naranasan nyo na ba yung araw na tila wala kayong magawa at 100php na lang ang laman ng bulsa mo?

Narito ang ilang tips kung paano mo gagastusin yung pera mo:
1. magtawag ng kasama, sabihin mo, meet kayo sa tambayan tapos (note: kailangang may kasama ka)
(pamasahe: 9php)
2. habang naghihintay sa tambayan, bumili ka ng yosi (kung di ka nagyoyosi, bumili ka ng worth 2php na kendi)
(yosi/kendi: 2php)
3. kung may nahanap na kasama, yayain mo silang magpansit (mas nakakabuti kung malapit lang yung panciteriang pupuntahan para maglakad na lang kayo)
(paglalakad: 0php)
4. pagkarating sa pansiteria, umorder ng superspecial
(pansit: 50 php)
5. umorder ng rin ng isang red horse para di mainip (humingi ng ice)
(red horse: 27php)
6. pagkatapos kumain ng pansit, humingi ng 2php sa kasama (dito mo marerealize na kelangan mo talaga ng kasama) at bumili ng 3 stick ng yosi (lugi ka kung di ka talaga nagyoyosi)
(3 sticks yosi: 5php)
7. pagkatapos magpa-palpa, magpaalam sa kasama at umuwi na kayo
(pamasahe: 9php)




posted by:
zuluwashere