Sunday, October 4, 2009

NA-FEEL KO ANG PEPENG...

So dumating si Pareng Pepeng... Anong ginawa nyo? Matulog maghapon? Magsend ng prayers? Magtext? Magayos ng bubong? Uminom ng alak? Ako? Madami! Eto ililista ko...


  1. Bago pa man dumating yung bagyo, dati ko nang chinarge ang aking CP, laptop at Ipod para di ako mabored...

  2. Dati na akong naglagay ng mga draft dito sa blog na ito para sa susunod e ipopost ko na lang...

  3. Umaga na nung nagbrownout dito sa amin... Papaandarin na sana yung generator nang madiskubre naming wala pala itong gasolina... Badtrip...

  4. Gumawa ako ng to-do list para may magawa ako...

  5. Nanood ako ng episodes ng Vampire Knight sa laptop pero nagsawa din ako after 4 episodes...

  6. Binuklat ko yung librong "Stone Alone" ni Bill Wyman... Binasa ko kasi di ko pa ito natatapos. Balak ko siyang tapusin pero nagsawa ulit ako after 10 pages...

  7. Habang nagbabasa ako nung libro, nag-abang ako ng Pepeng jokes at sigurado akong may magsesend nun...

  8. May nagsend nga!

  9. So napagtripan ko ring magtext sa aking friends... Nag-GM ako, sabi ko: "Binabagyo tayo ng aking kagwapuhan! Feel nyo ba?"

  10. May mga nagreply naman... Sabi nga ng isa e: "F*** You!!!"

  11. Nung nagsawa na ako sa katetext, inikot ko ang aming bahay... Pumunta ako sa mga lugar o pwesto na di ko gaanong pinupuntahan (humarap ako sa ding ding, humiga ako sa ilalim ng kama, pumasok ako sa loob ng aparador, etc...)

  12. Biglang nagtext si Mario, nagyayaya ng pansit, sabi niya nasa Plaza daw siya at maglilibre raw... Nagreply ako, sabi ko: "Sino ba naman ang tanga na lalabas sa ganitong uri ng panahon?" Tapos sinend ko sa kanya yung number ng 24hour rescue hotline...

  13. Hindi na nagreply si Mario, siguro tinangay na siya ng bagyo.... So, after that, kinuha ko yung ipod at nakinig ng beethoven... Ternong-terno sa panahon!!! So nagimagine ako na kunware isa akong conductor at pinapasayaw ko yung mga puno...

  14. After 20 minutes, nagsawa ako... Parang gusto kong maligo... So ginawa ko, lumabas ako ng bahay, then naligo ako sa ulan... Nagemo-emo ako dun... (syempre sa likod ako para walang makakita)

  15. Tapos habang nasa ilalim ng malakas na ulan, nagtanggal na rin ako ng mga bara sa drainage para hindi halata na para akong batang naliligo sa ulan

  16. Gusto kong magpapicture na background ko yung bagyo pero di ko na tinuloy kasi pagtatawanan nyo lang ako

  17. Pagkatapos maligo, nagshower ako, then humiga ako sa floor... (malamig kasi yung marmol, sarap humiga)

  18. Napagtripan ko ulit magtext, nagsend ako ng "tol!" sa mga friends ko...

  19. Nung may nagreply, tinuloy ko yung text ko: "Tol the girls I loved before... Who travelled in and out my door... I 'm glad they came along, I dedicate this song... Tol the girls I loved before..."

  20. Nung nasend ko na yung message, naisip ko na corny pala yun kaya di na ako magsesend ng ganun

  21. Buti na lang di ko naisip na magmiskol miskol dahil kung sakale maraming mababadtrip sa akin...

  22. Naalala ko, bispera pala ng pista namin kaya nung may nagtanong kjung naghanda kame sabi ko: "Nabaju yung handa namen!"
  23. At ang pinakamatindi sa lahat ng aking ginawa: Nagalay ako ng longganisa para matigil na ang Pepeng Malaki!!!
  24. Madami pakong ginawa

posted by:

zuluwashere

No comments:

Post a Comment