Chapter 6 (The Fallen Gladiator – SPECIAL CHAPTER)
“Patayin na yan!!!” sigaw ng isang mama.
“Wag kang maawa diyan, pahirapan mo muna!” sigaw naman ng isa.
Sa loob ng isang malaking arena, naghihiyawan ang mga manonood. Natutuwa dahil meron na namang isang gladiatorial match sa kanilang lugar. Bihira lang kasing magkaroon ng main event na one-sided ang laban. Pag mas dominante ang isang gladiator, mas matutuwa ang mga manonood.
Sa gitna ng ring, nakaluhod ang isang gladiator, sugatan at nanginginig sa takot. Nagmamakaawa dun sa nakalabang gladiator na kanina’y minumura nya sa yabang.
“Maawa ka sa akin… May pamilya ako…” sabi nung nakaluhod na gladiator.
Itinaas ng nakatayong gladiator ang kanyang sandata at walang awang “iwinasiwas” ito dun sa nakaluhod na gladiator.
Nagkalat ang dugo sa paligid… Patay ang nakaluhod na gladiator…
“At ang nanalo… Si Death Afro!” sabi nung announcer.
Tumalikod si Death Afro… Inayos ang kanyang kumikintab na buhok, bumaba ng ring at dumiretso sa kanyang private quarter.
Sa loob ng quarter ay sinalubong siya ng isang maliit na tao.
“Hetong bayad sa laban kanina… Mamaya mo na makukuha ang bonus mo galing sa pay-per-view at sa mga shampoo commercials…” sabi nung maliit na tao.
Kinuha ni Death Afro yung pera…
Maliit na tao: O bat ang lungkot ng mukha mo?
Death Afro: Yung buhok ko…
Maliit na tao: Bakit? Ayos naman ah… Ang kintab nga oh… (nagsuot ng shades)
Death Afro: Hinde… Nagalaw kanina… tingnan mo (sabay harap sa salamin)… Nagkulang ng isang hibla… Hindi na pantay!!! Paano ako haharap sa aking mga makakalaban pag ganito ang itsura ko?
Maliit na tao: Huminahon ka… Yan lang pala e… May kilala akong pwedeng mag-ayos niyan… Teka lang tatawagin ko lang yung barbero sa kanto (kinuha ang kanyang cellphone at nagsimulang magdial ng number…)
Death Afro: Hinde… Hindi mo ako naiintindihan! (kinuwelyuhan at binuhat pataas yung lamiit na tao) Hindi ordinaryong barbero ang kailangan ko! Magic lang ang makakapagayos nito!!!!
Maliit na tao: Relax! Relax ka lang! May solusyon diyan!
Binitawan ni Death Afro yung maliit na tao…
Death Afro: Anong solusyon mo?
Maliit na tao: May kilala akong magaling na scientist.
Death Afro: At sino naman yun?!
Maliit na tao: Wag kang mag-alala, katropa ko yun, lahat ng problema mo tungkol sa buhok, kaya nyang solusyonan…
Death Afro: Ganun ba? Asan siya? Gusto ko siyang makausap! Ngayon din!
Maliit na tao: Ah… Yun ba? Napaguusapan yan… Hehehe…
Death Afro: Grrrrr…. Magkano?
Maliit na tao: Yang perang hawak mo… Hehehe…
Inabot ni Death Afro ang pera pabalik sa maliit na tao…
Death Afro: O ngayon? Sabihin mo na sa akin kung san ko siya mahahanap?
Maliit na tao: Bat kaw pa ang maghahanap? Ako na pupunta. Bonus service ko na yan sayo as your manager… Hehehe…
Death Afro: Siguraduhin mo lang na maaayos nya to…
Maliit na tao: Sure! Sure! Ano ba ipapagawa mo diyan sa buhok mo?
Death Afro: Gusto kong pumantay ang kanyang haba at gusto ko rin na magkabody ang hair ko!
Maliit na tao: Yun lang? Madali lang yan. Bigyan mo lang siguro ako ng mga tatlong araw at tiyak, solb na yang problema mo…
Death Afro: Siguraduhin mo lang… Kung hinde… Matitikman mo ang lupit ni Death Afro… Naiintindihan mo?!!!
Maliit na tao: (lunok) Oo… Oo… S-s-si- sige alis na ako…
Death Afro: Hehehe…
Pagkalipas ng tatlong araw…
Maliit na tao: Death Afro! Hehehe… O eto na yung solusyon sa problema mo… (sabay abot sa kanya ng isang botelya na may lamang gamot)
Death Afro: Anong gagawin ko rito?
Malit na tao: Siyempre inumin mo lang yan ng…
Ininom kaagad ni Death Afro yung gamot…
Death Afro: O ngayon? Sigurado ka bang magkakabody ang hair ko dito?
Maliit na tao: Ha? A…e… Oo…
Biglang nakaramdam ng kakaiba si Death Afro…
Death Afro: Anong nangyayari sa akin?
Maliit na tao: E-ewan ko… A-a-alis na ako…
Death Afro: Walang aalis!!!
Maliit na tao: (napalunok)
Biglang umayos ang buhok ni Death Afro…
Death Afro: Aba! Totoo nga! Nagkabody nga ang hair ko!
Maliit na tao: Hehehe… Sabi ko na sayo e…
Death Afro: Teka bat biglang kumakati ang buong katawan ko?
Maliit na tao: Side effect lang yan… Mawawala din yan mamaya…
Death Afro: Hinde! Ang kati! Di ko na kaya! Aaaaaahhhhhh!!!!
Natumba si Death Afro… Nagpagulong gulong siya sa kanyang kinalalagyan… Kinakamot ang buong katawan…
Death Afro: Ano to? Di tumitigil ang kati? (kamot) A-anong nangyayari sa akin?! Sabihin mo?!
Unti-unting umaatras yung maliit na tao… Kinakabahan…
Death Afro: Anong nangyayari sa akin?! Tong mga kamay ko?! Tinutubuan ng buhok! (sabay tingin sa salamin)
Napasigaw ng malakas si Death Afro…
Death Afro: Ano tong pinagawa mo?! Tarantado ka!
Maliit na tao: Ha? (lunok)
Death Afro: Bakit nagka-hair ang body ko?!
Galit na galit si Death Afro, habang tumitindi ang kanyang galit, lalong humahaba ang kanyang buhok…
Maliit na tao: Teka teka! Labas muna ako! Natatabunan ako ng iyong buhok! Hoy! Hindi ako makahinga! (gasp)
Kinabukasan, nakita ng mga awtoridad ang walang buhay na “maliit na tao” at sa di-kalayuan ay si Death Afro na shocked pa rin sa nangyari sa kanya…
Habang isinasakay si Death Afro sa mobile, may isang malaking tao ang nakatayo sa gilid na nagmamasid
Malaking tao: (mukhang pumalpak ang aking eksperimento… Di bale…)
Nahatulan si Death Afro ng kamatayan. Itinapon siya sa BAKALTRAZ, ang pinakamalupit na kulungan sa lugar nila, upang dun na antayin ang kanyang death date.
Araw ng kanyang bitay, habang nakaupo si Death Afro sa kanyang higaan, may isang malaking anino ang lumapit sa kanya…
Death Afro: Anong tinitingin-tingin mo diyan?!
Malaking tao: Balita ko, ngayon na raw ang araw ng iyong bitay…
Death Afro: So? Tignan mo ang mga ito… Ang dami kong alagang kuto o… Nakakatuwa sila, gusting-gusto nila tong buhok ko…
Malaking tao: Hindi mo na makikita ang mga yan… Bibitayin ka na e…
Death Afro: Ano?! Hindi maari! Iligtas mo ang mga alaga ko!
Malaking tao: Hindi lang mga alaga mo ang maililigtas ko… Pati na rin ikaw…
Death Afro: Ha? Paano?
Malaking tao: Gusto mo bang magtrabaho bilang isang Royal Guard ni Haring Ra?
END OF SPECIAL CHAPTER
posted by:
zuluwashere
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment