I have this weird fascination for serial killers. Ewan ko pero trip kong basahin ang mga libro tungkol sa kanila. Nagsimula ang hilig ko nang pagbabasa tungkol sa kanila nung pagkatapos ng board examinations namin. Pumunta ako sa Isettan (malapit lang sa dorm e) then dun sa Booksale, nakita ko yung librong "The Family". Tungkol ito kay Charles Manson na leader ng mga gypsies na ang tawag sa kanila ay "The Family". Actually hindi serial killer si Charles Manson pero ang naging admiration ko sa kanya ay yung paano nya nagagawang kumontrol ng isipan ng isang tao. Imagine, nauutusan niya ang kanyang mga tauhan (babae man o lalake) na pumatay without any signs of hesitation. Power-control freak siguro ako. Anyway, I read and finished the book then after that, I bought a lot of True-Crime pocketbooks. (Madami sa Booksale). Tuloy tuloy hanggang ngayon. Yung tipong pag pumunta ako sa mall, dapat pag-uwi ko, may nabili dapat akong libro. Marami na akongg nabasa, tungkol kay Jack the Ripper, Ted Bundy, Son of Sam, Richard Ramirez, Zodiac Killer, etc. Meron din akong mga videos tungkol sa kanila. Downloaded nga lang sa internet. You don't believe me?
Di pa kumpleto to... Bale yan pa lang yung mga nababasa ko... Yung iba, nakatago lang, saka ko na ilalabas pag may natapos ulit akong bagong libro... Saka yung iba, hiniram, di pa binabalik...
posted by:
zuluwashere
Tuesday, October 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment