Chapter 9 (Light)
Hagupit ng Liwanag…
Paano mo ito tingnan?
Katalinuhan?
Iluminasyon?
Pagkabulag?
Pagsabog?
Saan ka nito dadalhin?
Sa kaayusan?
o sa isang maapoy na lugar?
Magtitiwala ba tayo sa liwanag?
o maninirahan na lang tayo sa dilim?
Napakabilis…
Napakaganda…
Ngunit nakakapanlinlang…
Mahirap intindihin hangga’t di mo maranasan
Pag dinaanan ka…
Ayos lang ba?
Isa lang ang sigurado…
Madaanan ka man o hinde…
Mananatili pa rin
Ang kanyang kagandahan…
Sa loob na parlor ni Mama Jam…
Little Rowee/Rei: Pagkain! Pagkain! Pagkain!
Mama Jam: O siya siya siya! Tama na yang kasisigaw nyo at eto na ang aking specialty! Tadaaahhhh! (binuksan ang kumukulong kaldero)
Rei: (inamoy) hmmm… ambango ah! At mukhang masarap pa! Patikim ha? (tinikman ang luto ni Mama Jam)
Mama Jam: O anong lasa?
Rei: Ang sarap!!!! Hwooooohhhh!!! Patikim ulit ha? (tumikim ulit) Woooohhhh!!! Ano ba ito? Ang sarap!
Little Rowee: Yan ang paborito kong ulam, ang pinakuluang itlog ng kabayo! P.I.N.K for short!Rei: Hah?! (nag-faint)
Mama Jam: Isa na namang tao ang hinimatay sa sarap ng luto ko! Masarap na, nagbibigay pa ng sustansya!
Rei: (Nagising) asan ang kubeta?
Little Rowee: Dun… (tinuro)
Nagmamadaling tumakbo si Rei papuntang kubeta
Mama Jam: Hay nako… Magjejerbs yan para lumaki ang capacity ng tiyan niya…
Biglang may kumatok sa pinto nila Mama Jam…
Mama Jam: Sus! Ano na naman yan? Mga Royal Guards na naman?
Boses ng babae: Mama Jam, andiyan ka ba?
Mama Jam: Aba, customer ata, teka lang… sarado kami ngayon…
Binuksan ni Mama Jam ang pinto…
Mama Jam: Ay! Ikaw pala! Halika pasok!
Boses ng babae: Salamat Mama Jam… Musta kayo? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo…
Mama Jam: Well… Eto… buhay naman, buti nga mat tumulong sa akin e…
Boses ng babae: Mabuti naman kung ganon, syanga pala may pasalubong ako ke Little Rowee… Eto o… (binigay ang hawak hawak na basket…)
Mama Jam: Wow Thank you! Nag-abala ka pa…
Lumabas si Rei mula sa banyo at nakita yung babae na kausap ni Mama Jam…
Rei: Huh… Sino siya?! Ang ganda niya!
Little Rowee: (biglang nagsalita sa likod ni Rei) Siya si Angelica, ang tapat na customer ni Mama Jam…
TO BE CONTINUED...
posted by:
zuluwashere
Friday, October 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment