Tuesday, September 29, 2009

THE GREAT PANSIT CRITIC: BELL'S PANCITERIA

Uhmm... Meron tayong bagong segment (feeling talk show amputa)... Tatawagin natin itong "THE GREAT PANSIT CRITIC". Iisa-isahin at idedescribe ko rito ang mga different pansiterias na natatagpuan sa buong lungsod. Uunahin ko na ang Bell's Panciteria...



Location: Tabi ng Flip-flops, sa harap ng Tuguegarao Chess club.... (Alam nyo na yun basta maraming naglalaro ng chess dun.)

Owned by:
Manang Bel

Prices: May 50php at meron ding 45php

Type of Pansiteria: Pang-hardcore

Plus points:

  • unlimited sibuyas
  • pwede umorder ng Matador at Red horse
  • pag na memorize na nila yung mukha mo, alam na nila kung magkano oorderin mo
  • medyo mabilis yung sevice, di ka na gaanong maghihintay
  • pwede kang magorder ng pansit na walang gulay
Minus points:
  • mainit
  • masikip pag madaming tao (may mga pwesto sa labas kaso bako-bako yung table)
  • nakakaasar yung matanda na pumapasok rito tapos bigla kang kakalabitin na akala mo close kayo.
  • minsan idinadaan sa harap mo yung tubig galing sa pinaghugasan nila tapos ibubuhos nila dun sa drainage sa harap ng pansiteria
Testimonials:

"Okay din dun, madami, pwede nang pang-almusal at meryenda, saka ka na lang kakain pag hapunan na. Mainit lang kasi..."
-Mario Simangan Jr.



posted by:
zuluwashere


No comments:

Post a Comment