Wednesday, September 16, 2009

TAGA TUGUEGARAO KA KUNG....

-alam mong bawal ang tumawa sa harap ng cathedral kasi baka habulin ka ni Nieves.
-tinawag ka na ni Istoops para maglaro ng chess.
-alam mong may welcome party Ang mga tricycle drivers pagkababa mo ng bus galing Maynila. (minsan din pagkalabas mo ng mall)
-nagugutom ka pag naririnig mo ang special at superspecial.
-nakipaghabulan ka na with Terminator. (CNHS)
-nakipaghabulan ka na with Olive o kaya kay Sir Battung. (St. louis)
-binalak mo nang isulat ang pangalan mo sa buhangin dun sa may Buntun bridge pero di mo to magawa.
-nagswimming, nagpicnic at naghugas ng sasakyan sa Pinacanauan river.
-nagpapacute ka kapag nakasakay ng kalesa
-alam mo ang perfect timpla ng sibuyas, toyo, suka, sili at calamansi
-nagpagupit ka na sa Mabborang's.
-kilala mo si Noli Paredes.
-nakapasok ka na sa Kingly, Alvin at Vargas.
-nanood ka na ng Mayor's cup sa People's gym
-naniniwala kang maraming "Annamay" sa Cataggamman.
-Zinagan, Igado at Patatim ang handa mo tuwing pyesta.
-nagsawa ka na sa mukha ni Quilang (yung pulis na nagtatrapik sa harap ng CNHS at CCT.)
-bumili ka na ng tinapay sa Sunshine Bakery
-alam mo na ang nasa gitna ng Mercury at Venus ay Yao Huy.
-namumuroblema ka kung saan kayo magpapansit.
-nakita mo na yung tricy na may "Purokayo Family" sa likod
-nasakyan mo na ang kalesa ni Dennis Rodman.
-bulalo ang inoorder mo kapag kakain ka sa RGT.
-hinuli na ni Talosig ang iyong motor.
-kumain ka na ng ice cream sa Myrose.(kung sakaling naabutan mo to, old school ka na)
-CTC ang tawag mo sa CCT (mas lalong old school ka pag gawain mo to)
-nasakyan mo na yung tricy nagdiDisc Jockey yung trike driver.
-nasundan mo ang lovelife ni Adducul at ni Assunta
-naabutan mong maggrocery sa Moninas (pang old school)
-nagbasketball ka na sa barracks, mormons at sa "no shoes no play"
-alam mong hindi ka bebentahan ng yelo nung intsik dun sa may caritan pag hindi ka bili ng alak sa kanya.
-ang karaniwang pasalubong mo noon galing Manila ay Dunkin Donuts, ngayon, ay J&B buko pie na.
-ang karaniwang pasalubong mo naman sa mga kakilala mong taga ibang lugar ay Alcala Milk Candy
-dumayo ka na sa Cabagan para magpancit
-naipaskel na ang picture mo sa Malayans na may nakalagay na "magnanakaw ako". (hardcore!)
-nakikinig ka ng drama sa Bombo Radyo at sa Campus Radio tuwing linggo.
-nagpapicture ka na sa Topico.
-nag ober da bakod ka na sa grandstand upang makapag cutting classes.
-napapansin mong saka lang tsinetsek ng mga sekyu ang iyong bag pag palabas ka na ng mall.
-pumupunta ka sa Mang Domeng's upang magpausaw at magantay ng tricy.
-pumupunta ka sa Leng-leng's upang maglomi at pumitik ng san mig o kaya red horse.
-nameet/naoneway mo/ka ang iyong textmate sa Brickstone o kaya sa Citimall
-bumili ka na ng appliances mo sa Lachmi o kaya sa Abraham.
-naglaro ka na ng pingpong/pitches at humingi na ng boraks kay Edward sa Pension Abraham.
-tinakbuhan mo na si Kuya Sammy ng Treshiels dahil wala kang pera pambayad sa 3 hours na laro sa family computer.
-nakadikit na sa language mo ang "ukinam", "pesti", "Diablu ka" , "vungaw" at "ulapa".
-di ko sasabihin kung saan ang pinakamasarap na pansitan sa tuguegarao dahil magaaway lang tayo.
-sinubukan mo nang tumingi ng worth 2 pesos na Gin sa tindahan.
-nakipagdragrace ka na sa bagay road at sa woodcrest.
-nagulat ka nung nalaman mong taga tuguegarao pala si Orestes Ojeda at si Rodel Velayo.
-isama mo na rin si Mystika.
-naingayan ka sa mga motor ng mga broom broom boys.
-alam mo kung saan nakatago ang mga 24 hour computer shop.
-alam mo kung saan ka magnenet pag nagsasara ang mga comp shop dahil nanghuhuli ang mga NBI
-expected mo na na kapag nagbrownout ng 8am ay sa 5pm na magkakakuryente.
-purong taga tuguegarao ka kapag may kamaganak ka sa halos lahat ng govt offices. (may tito ka sa ganito, may tita ka sa ganun, etc.)
-ang apelyido mo ay pangalan ng street sa inyong barangay.
-di mo matanggap na mas magaling pang magybanag si Father Clement kesa sayo.
-kumain ka na ng papaitan sa Capatan at dinuguan sa Libag.
-alam mong sa Gretchen's lang ang pansitan na pay before you eat
-nagpatuli ka na sa holy infant o kaya sa peoples emergency
-nakipagfrat war ka na sa Rizal's park.
-iniiwasan mong pumunta sa ornu dahil piso tatlo ang away dun.
-di ka na maloloko ng mga trike drivers.
-pinapabless mo ang iyong sasakyan sa Piat.
-nalibang ka sa pagsayaw at paseksing lakad nung aleng naglalako ng diket, meryenda, etc. sa Peoples emergency.
-bumili ka na ng barbecue dun sa may malapit sa bernardo's o kaya dun sa malapit sa de leon.
-nagrerent ka ng vhs at betamax sa Paquito's.
-sa greenmart, cindy's at jc commercial ka bumibili ng cassette tape.
-bumuli ka ng komiks, songhits at newspaper sa Fernandez at Agdamag.
-umupo ka na at tumambay dun sa harap ng Farmacia Carsal.
-naabutan at kumain na sa Smokey's at Shakey's
-napanood mo na si val calubaquib sa community channel
-nung wala pa ang jollibee at mcdo e sa tasty hut ka nagmemeryenda
-ang otto's para sa iyo ay hindi bentahan ng sapatos kundi isang pizza parlor
-chin pansit! sitaw?




posted by
zuluwashere

4 comments:

  1. haha..anak ng poota! reminising d past!! hahaha..nice one pips!

    ReplyDelete
  2. taga-Tuguegarao ka kung "min-dalawa" ang sinasabi mo kung ang ibig mong sabihin ay "dalawang beses"

    ReplyDelete
  3. taga-Tuguegarao kung ang pag-describe mo sa ginawa ng isang tao ay "gag-nanun", as in "'Mga bobo kayo', gag-ganun siya."

    ReplyDelete
  4. nice one..shet..guilty on many parts, some i'm not familiar of though,..sikkapansit nak..

    ReplyDelete